EXTREME EVERYTHING

10 1 1
                                    

-extreme love breeds satiety, and so extreme hatred-

"Teka! Jake! Teka muna... – No! Hindi ko na maabot ang sahig Jake! Balik mo na ako! Balik mo na ako, ngayon na!" Wala akong pakialam kung maiskandalo ang ibang tao sa pool. Takot na takot na talaga ako. Hindi naman ako pinapansin ni Jake, tuloy tuloy pa rin ang paghatak

nito sa akin papunta sa malalim na bahagi ng tubig. Ang higpit ng yakap ko sa likod nya, alam

nitong hindi ako marunong lumangoy.

"J..Jake...please..." Naiiyak na ako. Gusto kong maglangoy, nakakasisid naman ako pero dun sa abot ko dapat ang sahig. Sa mababaw ako lagi nagtatambay dahil hindi ako natatakot, pero oras na hindi ko na maabot ang sahig ng pool ay umaatake na ang nerbyos ko.

Nagka-trauma kasi ako noong bata pa ako, muntik akong malunod sa dagat. Yung takot na naramdaman ko noong naghihingalo ako sa ilalim ng dagat ay bumabalik sa oras na sinusubukan kong mag-aral lumutang sa malalim na tubig. Pero lagi nilang sinasabi na matututo lang daw akong maglangoy kung sa malalim na tubig ako magpa-practice.

"Beth...ano ba? Wag ka ngang maingay! Andito lang ako at hindi kita iiwan." Pilit nyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya pero hindi ako matinag.

"Please...wag mo akong iwan Jake..."

"Hindi sabi eh. Now trust me okay. Tuturuan kita ng basic, andito lang ako sa tabi mo..." Tinitigan nya ako sa mata, alam kong seryoso sya sa sinasabi nya. Wala ang pilyong ngiti nito na madalas Manahan sa kanyang mga mata.

"Doon mo na lang ako turuan..." Tinuro ko ang gilid ng pool na pinanggalingan namin. "No."

"J..Jake..." "Beth..."

Niluluwagan nya ang hawak ko sa kanya, pero nanlaban ako. Hindi nya ako pinuwersa noong una, lumutang lutang na lang sya habang naka-angkla ako sa leeg nya.

"Alam mo na kapag pinulikat ako dahil sa bigat mo ay lulubog tayo di ba?"

"No!" Ang lakas ng sigaw ko, tumingin ang ibang tao sa amin. Bagong bukas na resort ito kaya naisipan kong ayain dito si Jake. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala ay sa iba na lang kami pumunta.

"Shh! Wag kang maingay, ano ba!"

"Then let's get out of here now!" Binulong ko sa kanya. "No."

"Jake naman eh..." Paiyak na talaga ako.

"Billie, ano ka ba! Kaya mo ito. Learning how to swim is a life saving skill." Tinawag nya akong Billie, ibig sabihin seryoso na talaga ito at nagagalit na sa akin. Naluluha na talaga ako. Hinalikan nya ako ng masuyo sa labi.

"Trust me okay? Hindi kita iiwan..."

Hindi tumuloy ang luha ko. Unti-unti ay niluluwagan nya ang hawak ko sa kanya. Parang naglalaro lang kami sa tubig. May mga inuutos sya sa akin, nang unti unti ko itong sundin ay nakakaya ko naman. Mahirap sa una na talunin ang takot ko. Pero sa tuwing susunod ako sa sinasabi ni Jake ay nakikita ko kung gaano sya ka-proud sa akin. Lalo pa nya akong pupurihin at papalakasin ang loob. Kapag lulubog ako ay matatamaan ko ang sahig ng pool. Ilang talampakan din ang lalim nito, pero sa tuwing sisipain ko ito ay aangat ako at makakahinga na ulit. Unti unti ay natututo akong lumutang para hindi ko na kinakailangang lumubog ng tuluyan. Pero kapag nasira ang bwelo ko at bigla akong magpa-panic, andoon si Jake para iahon ako. Ilang sandali lang ay natuto na akong lumutang mag-isa, takot pa rin pero hindi na masyado na gaya nung una.

"Wow!" Sabi ko ng sa wakas ay makabitaw ako sa kanya at hindi na ako lumubog. Nakangiti ako sa kanya, gulat na gulat na madali lang pala ang paglutang. Ngayon marunong na akong lumangoy sa mababaw o sa malalim man.

NEVER BEEN TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon