THE END OF YOURSELF

6 1 0
                                    


-In the end, the only person you can count on is yourself-

Ilang saglit lang ay narinig kong huminga ito ng malalim. Alam kong nakatingin pa rin sya sa akin, nakikita ko sa tagiliran ng mata ko pero hindi ko pa rin magawang tingnan sya sa mata. Andoon lang ako, nakaupo habang awang awa sa sarili. Lumakas ang iyak ko nang niyakap nya ako ng mahigpit. Kung hindi nya ako niyakap ay hindi ko malalamang yakap lang pala nya ang kailangan ko para kumalma ako, para maramdaman kong ligtas na ako, na ayos na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang galit nya. Marahil ay naawa rin sya sa itsura ko, sa pag-iyak ko, sa naging kalagayan ko kanina. Kung hindi sya dumating kaagad, malamang na nagtagumpay si Ronel. Nangangatog ako sa yakap ni Jake. Ngayon ko lang ulit sya naramdamang yakapin ako ng walang halong malisya. He was just assuring me that he was there for me. His love and care gave me hundred folds pleasure than sex. Ramdam kong hinahalikan nya ang ulo ko, inangat nya ang luhaan kong mukha. Kita ko sa kanyang mga mata kung gaano sya naaapektuhan sa mga nangyayari sa akin.

"Buti na lang naitakbo sa akin ni Ysrael...kung hindi..." muling nanlisik ang mga mata nya. Hindi

ko naitanong kung saan sya pinuntahan ni Ysrael. Gustuhin ko mang malaman ay hindi ko na pinilit pa, takot at pagod na rin akong magtanong. Isa pa ay mukhang wala sya sa mood para sumagot. Ayoko ng mag-away pa kami.

"No one touches you, maliban sa akin. No one!" Niyakap nya akong muli, pero parang hindi ako ang kausap nya. Parang sarili nya ang sinasabihan nya nito.

We made love without alcohol or drugs that night. It was like the first night that we did it, out of pure love. We moved our bodies according to how we felt at the moment. He made love to me like he was being territorial, he was claiming me, affirming that I'm his and no one else. I loved the feeling, I felt secured, completed, and protected. Ang bawat galaw ko naman ay galaw ng humihingi ng patawad, dahil sa katangahan ko at sa kagagahan ko. Dahil lagi ko syang pinagdududahan, dahil hindi ko sya laging maintindihan. Alam kong mahal na mahal nya ako pero bakit lagi kong sinasabi sa sarili kong hindi?

Isipin ko lang na mawawala sa akin si Jake ay ikamamatay ko. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Ang pag-aaral ko, ang mommy ko, ang mga kaibigan at pamilya ko, kahit ang buhay ko ay kaya kong itapon wag lang sya. Si Jake lang ang matira sa akin ay ayos na, kakayanin ko ang lahat ng problema. Everything in my life meant nothing apart from Jake, nothing!

***<><><>***

"Tingnan mo...tingnan mo...ang landi talaga!" Tumingin ako para tingnan ang nagsasalita. Pamilyar ang mukha nito sa akin, hindi ko lang alam ang pangalan nito pero alam kong sophomore ito. Kausap nito ang isang babaing hindi pamilyar sa akin pero naka-uniform din ito na kagaya ko.

Vacant ko noon, ako lang mag-isa ang nakaupo sa upuang malapit sa locker. kakatapos lang naming mag-meeting ng ka-grupo ko sa Thesis. Pilit ko pa ring inaasikaso ito kahit ilang beses na ring na-reject ang mga proposals namin. Heto nga at nag-uumpisa na naman kami ng paghahanap ng bagong client na gagawan namin ng Computerized System. Nakita ko sina Cyril, gusto ko sana silang lapitan pero parang umiwas din sila nang Makita ako. Nagkatanguan lang kami tapos ay umalis din sila, samantalang dito lang naman ang tambayan namin noon. Ang layo ko na talaga sa kanila, pero hindi maiwasang hindi ko ma-miss ang dati naming samahan.

"Nakakagigil talaga ang babaing yan, alam na nga nyang bakat ang panty nya tumutuwad pa..." Tinanaw ko ang tinutukoy ng dalawa. Nakatuwad nga ito na para bang may dinadampot na dumi sa lupa. Kaya lang sakto pang sa mga grupo ng mga lalaking nakatambay nya itinapat ang puwit nya. Hindi alam ng dalawang babae sa harapan ko na nakikinig ako sa usapan nila. Hindi rin nila alam na kilala ko ang pinag-uusapan nila. Si Jonabeth ito, transferee sya last year kaya irregular student ito ngayon at iba ibang sections ang klaseng pinapasukan nito. Bago pa lang ito pero grabe na ang reputasyon nito sa campus. Gustong gusto talaga nito na laging sya ang focus ng atensyon ng mga lalaki. Kaya naman inaasahan na ng lahat na magpapapansin din ito sa grupo nila Viktor. Naalala ko na napag-usapan pa namin ang tungkol dito ni Jake ilang buwan na ang nakakaraaan.

NEVER BEEN TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon