GUARDIAN ANGEL

10 1 6
                                    

- Service to others is a rent you pay for a room in this earth -


Nameet ko si Dionne nung unang araw na nameet ko si Dean. Sabi nya, magmeeting kami in five pero na-move ng ilang minuto dahil may mga phone calls siyang tinapos. I decided na magbanyo muna at bumili na rin ng kape sa may lobby area. Addict ako sa kape, ito siguro ang dahilan kung bakit nawindang ang hormones ko, haaay. Kaso di ko pa ma-give up sa ngayon ang kape eh.

Pagka-order ko ng coffee ay nag-banyo muna ako habang naghihintay. Nakasalubong ko ang mga babaing nakasimangot at nagrereklamo.

"Grabe ano ba yun, sobrang baho naman..."

"Oo nga, lipat tayo ng ibang shop,"

Pagpasok ko ay grabe talaga ang baho ng amoy. Dalawa ang cubicle at dahil ihing-ihi ay sa kabila ako nagbanyo. Tiniis kong hindi huminga. Mapagkit ang amoy, yung alam mong galing ang poo-poo sa tiyan na may sakit. Paglabas ko ay saktong papasok ang isang crew, napaatras din ito sa amoy.

"Uhm, out of order mo muna, tapos later ka na maglinis," sabi ko. Pakialamera talaga ako noh? Parang nagustuhan naman ng crew ang suggestion ko. Palabas na ako nang may something sa akin na pumigil umalis sa napakabahong banyo.

"Hello...okay ka lang?" Billie pakialamera ka talaga

"You need any help?" Kinatok ko ang cubicle kung saan alam kong may tao. Walang sumagot. Fine, alis na ako kasi ang baho talaga. Tapos biglang may narinig akong hikbi.

"I'll help you, tell me what you need?"

"W-water and soap...and...and..." umiyak na siya.

"Shhh...it's okay, I'm here. I'll help you,"

"Clothes...I...I made a mess..." sabi ng babae in between sobbing.

"Alright, wait here. I'll be back okay,"

"O-okay," humikbi siya, "please come back...please..." I sense panic in her voice.

"I will, promise,"

Nataranta akong nagpatulong sa crew tungkol sa tubig matapos akong bumili ng sabon, alcohol at disposable undies sa malapit na convenient store at kumuha ng extra clothes sa kotse ko. I don't know her size but it was an oversized pair of pants anyway. Sinamahan ko na rin ng blouse just in case. Palagi akong may extra clothes dahil nga balik-balikan ako sa Chase at Haven and I need extra in case kailangan kong magpalit.

"Here's the thrash bag," tapos ay inabutan ko sya ng bucket of water to clean herself. Ewan pero hindi ko namalayang may meeting nga pala ako. Sa isang bigay ko ng bucket of water eh nabasa pa ang damit ko. Yun lang wala na akong extrang change of clothes. Bahala na.

"I'm clean," sabi sa saradong cubicle. Mukha nga kasi halos parang naligo siya. Medyo nawala na rin ang amoy sa banyo, pero sa tagal ko eh hindi ko na lang siguro maamoy pa o nakadikit na sa balat ko. Naglagay na lang ako ng alcohol sa katawan.

"Here's your clothes,"

Bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang hubo't hubad na babae. Napatungo ako. Wow! Super ganda ng katawan, pero di ko tiningnan ang mukha. Sa harapan ko siya nagbihis. Ako talaga ang nahiya.

"I have a meeting, will you be okay if I go?" Paalam ko.

"Please...let's go out together," parang batang pakiusap nito.

Okay, nahiya siguro siya. Buti na lang at hoodie ang nabigay ko sa kanyang blouse para maitago niya ang mukha niya kung nahihiya siya.

Nang makalabas kami sa coffee shop ay mabilis itong umalis matapos magpasalamat sa akin at ako naman ay dali-daling bumalik sa meeting namin nila Dean. Mukha akong kawawa, gulo ang buhok, basa ang damit, at amoy alcohol na may kahalong kape. Hay naku! Buti na lang di ako natanggal sa trabaho. Kaya naman ganun na lang ang tili ni Dionne nang makilala niya ako nang bisitahin niya si Dean. Small world talaga.

NEVER BEEN TO METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon