Katherine's POV
6 months.
6 months akong wala sa Pilipinas. Sa loob ng 6 months na yun ginawa ko ang lahat para makalimutan si Matt.
"Anak." sabi ni Mommy sa akin.
Nasa office niya kami ngayon kasama si Tito. Ngayon na ang first day ko sa school namin. Ipapakilala na rin ako nila Mommy at Tito bilang isang Castillejo.
"I'm nervous" sabi ko
"Don't be nervous. Diba napagusapan na natin ito?" tanong niya sa akin
"Yes I know the rules." sabi ko
Napagusapan kasi namin ni Mommy na kailangan ko nang magpakilala bilang isang Castillejo para pag bumalik na ako sa school hindi na ako ma-bu-BULLY.
"Mommy sa tingin mo makilala nila ako?' tanong ko sa kanya
"Nope." simple niyang sagot
"Why? Nagmukha ba akong pangit?" tanong ko ulit
"Anak, mas lalo kang gumanda. Lumabas yung tunay mo na ganda" sabi sa akin ni Mommy.
Nag smile na lang ako. Atleast nabawasan yung kaba na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan... Dati naman buong tapang kong sinasabi na kaya ko ng harapin si Matt, si Leah... at yung mga ka-batch namin na ng BULLY sa akin.
"Ma'am pwede na daw po kayo pumunta sa assembly hall." sabi ng secretary ni Tito
"Anak kailangan mo ng ilagay yang mga gamit mo sa room then punta ka na sa assembly hall okay? Wag kang kakabahan." sabi sa akin si Mommy
Alam kong nagaalala siya sa mga pwedeng mangyari.
"Yes Mommy." sabi ko
Kinuha ko na yung bag ko at saka lumabas sa office ni Tito.
Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao habang papunta sa class room ko. Malas ko lang naman kasi kaklase ko si Matt at Leah.
Pero ang maganda dun classmate ko yung dalawa kong best friend si Hannah at Bea :">
Pagkapasok ko pa lang sa room nakita ko na yung bag ni Hannah at Bea. Ang dali lang kasing mahanap yung bag ng dalawang yun. Yung bag ni Hannah purple na may nakalagay na initials niya yung kay Bea naman pink na may nakalagay na letter "B". Hays... miss ko na kaagad sila kahit 2 days pa lang kaming hindi nagkikita.
"Hi." sabi ng isang boses ng lalaking hindi ako pamilyar.
Paglingon ko.
>_<
Si Ryan pala yun.
"Yes?" medyo pataray kong tanong sa kanya.
Si Ryan ay isa sa mga nangbully sa akin nun. Isa din siyang pogi,sikat at player.
"Ahm... ayain sana kita pumuntang assembly hall since alam kong first day mo." diretsuhan niyang sinabi sa akin
PSH! Kainis! Sarap itapon ng pagmumukha nitong si Ryan!
Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot. "Okay." sabi ko at saka ko hinawakan yung kamay niya.
kung nagtataka kayo kung bakit ko ginawa yun?
Simple lang, para mag assume siya na may gusto ako sa kanya. Like duh! EW!
Ramdam ko na mahigpit yung pagkakahawak ni Ryan sa kamay ko papuntang assembly hall. Pinagtitinginan na nga kami ng lahat ng tao eh.
BINABASA MO ANG
Dahil kay Matt
Teen Fiction5 years ago nung second year high school una akong nagkaroon ng boyfriend. And after 5 years nakita ko ulit siya iba pa rin talaga impact pag first love. Mahal ko pa ba siya kahit na sobrang sakit ang ginawa niya sa akin? I already said to myself th...