Chapter 8

25 0 0
                                    

Katherine's POV

One month na ang nakakalipas after nung play...

Yun close pa din kami ni Matt, halos araw araw nasa bahay para guluhin ako. Si Daniel din halos nandito na lagi sa bahay, pero nung last time ko siya nakita sabi niya aalis na daw siya. Baka joke lang niya yun, D ako iiwan ni Danny! (Danny tawag ko sa kanya, sa akin na man Katty).

Si Hannah at Bea nakakasama ko pa rin sila, pero may nagbago eh. Parang ayaw nila ako kausap, parang nawawalan sila ng gana na kausapin ako. Nga pala, 4 months to go 3rd year high school na kami. Ang bilis ng panahon. 

Nasa bahay pala ako ngayon... Nagrereview para sa long tests namin... Malapit na pala foundation day namin. BUSY nanaman ako niyan for sure! :(

*knock knock*

"Sino yan?"tanong ko

Pano pag multo pala yun? Hindi imposible walang multo dito! Anong pinagsasabi ko? Hays...

"Katherine may bisita ka." Si Ate Grace, ang bago naming kasama sa bahay. Nagdagdag nanaman  si Mommy ng bagong maid...Hays. Mommy talaga...

""Sige po ate. Baba na ako."-Ako

Sino naman kaya bisita ko? Hindi naman siguro si Matt yun diba? or si Daniel? Sinabi ko na kasi sa kanila na bawal akong istorbohin, lagot sila kay Mommy! Wahahaha! 

Istorbo naman yang bisita na yan!!!

Nasa hagdan na ako, tinitignan ko lang yung steps ng stairs habang bumababa. Nang may nagsalita na isang pamilyar na boses ng lalaki.

"Kamusta ang bunso namin?" Si Kuya Kyle!!!  

"Okay naman po Kuya. Bakit nabigla ata ikaw ng uwi?"-Ako

"Si Kuya mo lang ba ang umuwi?"-Si Ate Karen!!! 

"Ate!"-Ako, lumapit ako kay Ate Karen at I hugged her.

"Ako walang hug?"-Kuya Kyle, lumapit ako kay Kuya at I hugged him tapos lumapit si Ate Karen at nag group hug kami! :'( Nakakaiyak naman yung ganitong scene

Hindi ko ba nasabi sa inyo na may kapatid ako? Ganito kasi yan, hindi ko na nasabi sa inyo kasi hindi naman sila umuuwi dito sa Pinas. Once a year lang sila uumuwi at yun ay ang summer! Si Kuya Kyle kasi inaasikaso yung business namin sa US si Ate Karen naman sa France. Pero nakakapagtaka ang aga nila umuwi. 

After 20 seconds tapos na kami mag group hug. 

"Bakit nga pala ang aga niyo umuwi?"-Ako

"Hindi kasi masaydong busy company ngayon eh."-Kuya Kyle

"Ibig sabihin ba nun palugi na company natin?"-Ako

"Uy! Pinagsasabi mo diyan! Lalo nga tumaas sales natin eh."-Ate Karen

"Naks naman ang galing talaga ng mga kapatid ko"-Ako

"Hay nako yan ka nanaman. Syempre magaling ka din!"-Ate Karen

"Nga pala bunso may pasalubong kami sayo."-Kuya Kyle

"San Kuya?"-Ako

"Yung iba nasa ref. Tapos yung iba nasa maleta ko."-Kuya

"Ako din Princess may pasalubong ako. Nan dito sa maleta ko."-Ate Karen ,Princess tawag niya sa akin simula pagkabata. Nga pala, mas matanda si Kuya Kyle kay Ate karen ha! 

"Okay ate and kuya! Thanks sa pasalubong"-Ako pagkasabi ko niyan papunta na ako sa room

"Uy san ka pupunta Princess?"-Tanong ni Ate Karen

"Sa kwarto po Ate! Magaaral na po ako long tests na po namin eh."-Ako

"Oh okay! Study hard!"-Ate Karen

"Baba ka lang pag gutom ko  na bunso."-Kuya Kyle

"Okay Kuya!"-Ako

Ayun nagaral ako hanggang 5:00pm. Before 6pm kasi kami nagdidinner. Sla Ate pala one month magbabakasyon dito! Yey! Baka mag boracay kami or Palawan o baka Korea! Yey! Yey!Nga pala Monday nanaman bukas, school nanaman!!!

KINABUKASAN...

 *blackberry alarm* 

Hays pasok nanaman! Bitin pa tulog ko!

"Princess gising na."-Sino pa ba yan? Eh di si Ate Karen. Siya daw kasi maghahatid sa akin sa school gamit sasakyan niya. Eh ang sasakyan nun eh BMW, naku baka kung ano nanaman sabihin ng mga tao.

Bumangon na ako. Naghilamos, tapos pumuntang kusina para magbreakfast tapos naligo nagbihis nagpabango nagayos ng kaunti. READY NA ME!

"Tara na Ate Karen!"-Ako

"Tara na Princess."-Ate Karen

Sa school->

Ayun pinagtitinginan nga kami. Ang fashionista kasi ni Ate eh tapos yung car pa niya ang ganda. Pinapasok pala nung guard si Ate kasi kilala rin sila dito ni Kuya.

Matt's POV

Nasa classroom na ako. Kaso ako lang ang nan dun kaya, iniwan ko muna gamit ko at pumunta sa corridor. Pero may napansin ako sa d kalayuan. Si Ate Karen ba yung kasama ni Katherine?

"Ate Karen! Katherine!"sigaw ko sa kanila

"Is that Matt?"narinig kong tanong ni Ate kay Katherine

Si Katherine ayun tumango lang. 

"Hi Matt."bati sa akin ni Ate Karen

"Hi Ate long time no see!"-Ako

Kilala ako niyan si Ate Karen pati si Kuya Kyle kaso madalang lang sila umuwi.

"Magkaklase ba kayo ni Katherine?"-Ate Karen

"Hindi nga po Ate eh."-Ako

Si best friend ayun nakayuko. Ah alam ko na ayaw niyang tinititigan ng mga tao. Hay nako kung alam lang nila na ito ang anak ng mgay ari ng school.

"Ate bilisan natin maglakad."utos ni Katheriine sa Ate niya.

"Okay Princess"-Ate Karen

Hanggang ngayon pala Princess pa din tawag niya kay Katherine.

"Matt punta ka na kaya sa classroom mo. Baka mamaya dumating na teacher mo."-Ate Karen

"Naku Ate mamaya na lang 6:15 pa lang masyado pang maaga tska dito na lang po muna ako kila Katherine."Ako

"Ok. Samahan mo muna kapatid ko ha! Thanks Matt, tska baka magkaroon tayo ng dinner sa bahay mamaya."-Ate Karen

"Sige Ate. Ingat po kayo bye!"Ako

"Princess bye na ha! Magaral ka ng mabuti ha! Love you Princess."Ate Karen para kay Katherine

Si best friend nakayuko lang kasi,

"Sige Ate bye. I love you. Ingat ka sa pagdrive ha."-Katherine

She just hugged her sister. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

just a short update. Abangan niyo po ang part 2 ng chapter na ito. Thanks! :)

Dahil kay MattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon