Katherine's POV
Last day ko na ngayon sa Korea! Grabeh ang ganda talaga dito! At dahil sa sobrang ganda... Bumili si Mommy ng rest house namin. Hindi naman ganun kalaki, sakto lang. Tapos tabi pa siya ng lake, tska malapit lang sa bahay ng pinsan namin. ^_^
Makakasama ko nga pala ngayon si Frances. Si Frances Castillejo, ang pinsan kong PARTY GIRL, maganda siya, sexy, at mabait. Sabi nga niya sa akin magpapayat na ako para may makasama siya sa mga gimik niya sa Pinas. She is crazy.
"Hoy Katherine!"and speaking of the party girl.
"Bakit!?"-Ako
Narinig ko ang pagbukas ng pinto
"Cuz, bihis ka na kasi pupunta tayong mall."-Frances
"Okay okay."-Ako
Ayaw ko na tumanggi kasi alam kong magsusumbong yan kay Mommy. Para ngang si Frances na anak nun eh, parehas kasi silang PARTY GIRL. -______-
Mga limang minuto lang ako nagbihis. Ganun talaga ako magbihis kung ano yung unang nakita ko yun na ang isusuot ko.
"Wow ang bilis ha!"-Frances
"Alam ko kasing kating kati na yang paa mo!"-Ako
"Sungit mo pinsan! Last day na natin dito sa Korea. Lubusin mo na. Tska for sure kasi pag dating natin sa Pinas madalang na tayong magkikita."-Frances
"Alam ko naman na ang umaga mo sa Pinas ay pagaaral tapos ang gabi ay puro gimik kaya hindi tayo nagkikita."-Ako
"Tama!"-Frances
Hinatak na ako ni Frances palabas ng bahay. Naghihintay na pala ang sasakyan sa baba.
"Ano bibilhin mo sa mall?"-walang gana kong tanong kay Frances
"Mga dress, killer heels, bags, and make-up."-Frances
"Ang dami na nun sa Pilipinas eh!"-Ako
"Syempre gusto ko rin naman i-try ang mga gamit dito sa Korea. Puro na lang kasi tayo kain ng kain tapos lilibot sa mga tourist spots dito."-Frances
"Tsk. Whatever."-Ako
"Siya nga pala, naiwan mong naka-on yung laptop mo kagabi. Ang daming nang nagmessage sayo sa FB eh."-Frances
"Sino naman yung mga yun?"-Ako
"Ay! Correction iisa lang pala yung taong yun. Naka-10 message siya sayo. Sino si Matt?"-Frances
"Ah yung best friend ko."-Ako
"Kayo na siguro noh?""-Frances
"Hoy! Never akong magkakagusto sa lalaking yun noh."-Ako
"Alam mo ganyan din sabi sa akin ng friend ko. Hindi daw niya mahal yung best friend niya pero naging sila naman."-Frances
Hindi na lang ako umimik.
"Alam mong tawag diyan?" patuloy pa rin sa pagsasalita si Frances
"In denial"bulong niya sa akin habang tinuro ang puso ko.
"Eh!? Ano yun!? Wala nga akong alam sa love love na yan eh. Parang ang labo." -Ako
"Well sabi mo eh. Ang sweet kasi ng best friend mo nabasa ko kagabi mga messages niya." kinikilig na sabi ni Frances
BINABASA MO ANG
Dahil kay Matt
Novela Juvenil5 years ago nung second year high school una akong nagkaroon ng boyfriend. And after 5 years nakita ko ulit siya iba pa rin talaga impact pag first love. Mahal ko pa ba siya kahit na sobrang sakit ang ginawa niya sa akin? I already said to myself th...