The Past

8.1K 84 5
                                    

(Author's note: Some parts of the song are from Everybody's fool by Evanescence, nagustuhan ko po kasi yung lines kaya inilagay ko po dito. Pero iba po yung tono nung kanta na ito at yung ibang parts ako na po ang gumawa. Thanks for reading ! )

The Demon's Song Will Start Now.....

Lalalalala

Lalalalalalaaaahhhhhh

*strings*

You fooled me once but you cannot fool me twice, You've once played your pace but now it's my turn to roll the dice.

Your mask will crumble with just a snap, without your mask where will you hide? Can't even find yourself, lost in your own lie. You're my toy and you will never be able to get away.

You challenged me without you even noticing, now you reap what you sow. Your debt will be paid right away, just let me decide for what you have to pay. I will be coming on your way, so wait for me i'll soon HUNT YOU DOWN!!


*tweet, tweet*

GISING NA!! ANO BA MAY PASOK KA! MALELEYT KA UNANG ARAW PA LANG!!

Rico: Hmmmfff....... maya na ang aga pa eh.

ANO KA BA! 7:45 na! TUMAYO KA NA JAN!

Rico: Hah!? Bakit hindi mo agad sinabi!

Nagmamadaling bumangon at nagkukumahog na naghanda sa kanyang pagpasok si Rico. Mabilis lang itong kumilos kaya naman nakababa ito agad mula sa kanyang kwarto.

Rico: Aalis na ako ate !! Bye na po!

Ate: MAG INGAT KA AH!!

"Hmmm... andito ka pala dumadaan. Long time no see, RICO."

Matagal tagal na rin akong hindi pumapasok sa school, ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Buti na lang at nakagawa ng paraan si Ate para hindi ako matrouble sa school ko. Mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas, kahit may mga peklat ako, magaling na naman lahat ng injuries ko.

Habang naglalakad ako sa aking routa na kadalasan kong dinadaanan papunta sa school, muli ko nanamang naalala ang mga pangyayari noon.

Once akong nagkaroon ng girlfriend na ang pangalan ay Eva. Alam ko sa sarili ko na hindi siya tao pero hindi ko alam kung ano ba talaga siya. Nakipag date lang ako sa kanya dahil sa pangungulit, hindi niya ako titigilan kung hindi ko siya gagawing kasintahan ko.

Hindi siya kagandahan, at isa din siyang uto uto. Napaka boring niyang tao kaya naman ginawa ko na lang siyang utusan para naman kahit papaano ay mapakinabangan ko ang pagiging makulit niya. Naging masunurin siya at lahat ng ipinapagawa ko sa kanya hanggang sa dumating ang araw na hindi ko ginustong mangyari.

Habang kami at ng mga kaibigan ko ay nag uusap, sumakto na dumaan si Eva sa room kung saan kami nag uusap usap. At napaka malas pa at nakabukas ang pinto, wala saamin miski isa ang naka pansin nito.

Dennis: Pre, 4 months ka na nakikipag date kay Eva ah type mo ba talaga yung ganung babae?

Danny: Ang weak mo naman pre, kala ko ba naman pang high class ang taste mo sa mga babae.

Rico: Hindi, sa totoo lang wala naman talaga akong gusto sa kanya. Hindi niyo ba napapansing utusan ko lang yun? Uto uto rin yung babae na yun eh, nakakainis na kasi kaya pinatulan ko na lang. Pag may nahanap na akong iba pwede ko naman siyang palitan.

Dennis: Aba, aba , aba parang ang yabang mo naman yata. Hindi porket sikat ka dahil pogi ka ganyan ka na.

Rico: Ganyan talaga mga pogi.

Eva the SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon