1st Victim

5.2K 58 2
                                    

DENNIS.

Palagi kong naririnig yung pangalan ko tuwing ako'y natutulog. Sa panaginip ko wala akong ginawa kung hindi tumakbo sa buong school. Gusto niyo malaman kung bakit? Sige sasabihin ko sa inyo.

Sa panaginip ko laging gabi, lagi akong mag sisimula sa classroom namin, paulit ulit na lang. Lahat ng ilaw ay nakapatay except sa room kung nasaan ako. Lagi na lang bigla biglang mag sasara ang mga ilaw at magbubukas ang mga bintana at pinto, lagi na lang ako may naririnig tinig ng isang babae sa hallway kahit wala namang tao.

At pagkatapos na pagkatapos ng kanta mag sisimula na ang tunog ng yapak, Tap, Tap.. Ganun. Habang sa palakas ng palakas pabilis rin ito ng pabilis. Hanggang sa maririnig mo ang garalgal na boses ng isang matandang babae.

TAKBO KA NA. HAHABULIN NA KITA. PAGBILANG KO NG TATLO NAKA UPO KA PA, MAMATAY KA NA!

Hindi ko maiwasan na tumakbo, habang tumatakbo ako, unti unti dumidilim ang paligid hanggang sa tuluyan na lang itim ang buong paligid. Basta takbo lang ako ng takbo diretso lang ang daan ko, maya maya nakita ko ang bahay ko hinahabol ko ito at binilisan ang aking takbo pero wala pa ring nangyayari.

Para bang gumagalaw yung bahay ko palayo, hanggang sa nadapa ako. Nag ka pilay ang paa ko dulot sa malakas na pag kabagsak ko. Nawawalan na ako ng hininga, sumasakit na ang dib dib ko at unti unti na ring pumipikit ang mga mata ko.

HAWAK.

May humawak sa kaliwang balikat ko, malaking kamay na kulay asul at mapayat na may mahahabang itim na kuko.

Kinakabahan ako kung sino ito, hindi ko sinubukan na humarap kung sino ang nakahawak sa aking balikat pero ito ang sinabi niya.

TAYA! IKAW NA ANG TAYA! HABULIN MO AKO!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!

Hindi ko sinasadyang humarap sa kanya at alam mo ba ang nakita ko?

Matangos na ilong, asul na balat, mahahabang pangil at kulay pulang sungay. Ang pinaka nakakagulat pa dito ay nakita ko ang pag mumukha ni Eva sa kanya na dating girlfriend ng kaibigan kong si Rico.

Dennis: E-E-Eva?

Eva: Nakikilala mo pa ako?! Haha mabuti naman.. Halika laro na tayo!! Hindi ka gigising pag hindi mo ako nahabol sige ka baka mamatay ka na ng tuluyan!!

HAHAHAHAHA!!! HAHAHAHA!!!!

Simula nung araw na iyon hindi pa rin ako nagigising, andito sa panaginip ko at nag lalaro ng taya-tayaan kasama si EVA.

Eva the SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon