The last victim

3.1K 48 3
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero nag iba ang ate ko simula nung gabing iniwan ko siya dito sa bahay. Mas naging mabait at responsable, hindi sa ayaw ko ito kaso naninibago lang talaga ako. Kasi ang ate na kilala ko ay yung tipo na magagalit pag hindi mo siya sinunod, at yung pala utos.

Tinatanong ko si ate kung bakit siya ganoon kumilos. Pero hindi niya ako sinasagot lagi niyang iniiba yung usapan kahit ako ay naiinis na.

Ngunit lahat ng katanungan ko na iyon ay  nasagot sa isang pangyayari. Habang ako ay nakahiga sa kama, nakabukas ang mga bintana na may puting kustina kung saan makikita mo ang maliwanag na buwan. Patulog pa lang ako nun nang pumasok si Ate sa kwarto ko. Nag panggap akong natutulog para malaman kung ano ang balak niyang gawin.

Maya maya hinawakan niya ang buhok ko at nagsimulang umawit. Ikinagulat ko ang ganda ng kanyang boses dahil ang kilala kong ate ay hindi marunong kumanta.  Naalala ko ang mga lyriko na kanyang ibinibigkas, at bumuo sa isipan ko.

Ang awitin na inihandog saakin ni Eva! Ang kantang sumpa! Pero bakit? Bakit? paano niya nalaman ang kantang ito? Hindi kaya?

Rico: Eva?

*Gasp*

Eva: *chuckles* Ang galing mo talagang mang hula. Wag kang mag alala makakasama mo na ang ate mo.

Rico: L-Lagot ka sakin... ughh ... Anong g-ginawa m-m-mo....

Eva: Have a veerryyy sweet NIGHTMARE .

Rico: E-E-Eva.......

(kinabukasan)

Balita: Lalaki natagpuan sa kanilang bahay, Patay! Ang buong kwarto ay puno nang dugo at sinasabing hindi ordinaryong tao ang pumatay sa kanya dahil walang bakas ng prints. Kahit ang mga residente ay walang kaalam alam sa pangyayari.

Ako, si Dennis, si Danny at si Ate, Paano niya kaya kami pinatay? Kayo, masasagot niyo ba ang tanong ko?

Eva the SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon