3rd Victim

3.2K 40 0
                                    

ATE.

Nasa bahay ako nag luluto ng hapunan namin nila Rico. Ako nga pala si Licay ang ate ni Rico, hindi ko pa napapakilala yung sarili ko kaya naman naisipan ko ngayon na yung tamang oras.

Balik tayo sa storya, habang nag luluto ako may kumatok sa pinto namin. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko ang isang magandang babae na may dala dalang mga mansanas sa isang bayong. Binigyan niya ako ng isa at pulang pula ito. Ang sabi niya binbigay daw ito ni Ate Ester yung kapitbahay namin. Matagal na naming kaibigan yan.

Ang sabi niya rin ay pamangkin daw siya at gusto niyang maghandos ng mansanas sa mga kapit bahay namin dito dahil napakarami niyang dala. Pagkatapos ko kuwain ang mansanas na kanyang binigay nag paalam na siya at isinara ko na ang pinto.

Since naman na nag papakulo pa ako hinugasan ko muna ang mansanas upang kainin ito. Sa pag kagat ko dito lumabo ang paningin ko at tila nanghihina ang katawan ko. At pagkatapos ng ilang minuto tuluyan na akong bumagsak.

Maya maya nagising ako nakahiga na ako sa kama, at nakita ko ang isang maganda at matangkad na babae sa kusina kung saan ako nagpapakulo. Nakita ko siyang may hawak kandila at mga papel na basura inilapit niya it sa gasul.

Pag sindi ng kandila......

BOOM!!!

Malakas na pag sabog ang naganap, nakita ko ang mukha ng babae ng malapitan, hindi pa rin ako makatakbo dahil sa hindi makagalaw ang katawan ko. Ang mukha na aking nakita ay ang mukha ng kasintahan ng aking pinakamamahal na kapatid na si Rico.

Ang sumumpa sa kapatid ko si EVA.

Hindi na makilala ang katawan ko dahil sa lubos ito nasunog, habang nakahiga ako nakita ko ang kapatid ko na may kasamang babae. At ang babaeng iyon ay may mukha kagaya ng mukha ko. Pero unang tingin ko lang kilala ko na kung sino siya.

Gusto niyo ba malaman kung sino siya?

Siya si EVA.

Eva the SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon