1 - First Disaster

206 2 0
                                    

Luigi's POV

"Okay good take!"

"One more shot!"

"Gorgeous! Your the best"

Ang liwanag ng paligid. Lahat busy, lahat may kanya kanyang ginagawa. Nakak silaw ang bawat flash ng camera, ang mga tao naman manghang mangha na nanonood.

Hindi ako ang hinahangaan nila...

Siya? Nakikita niyo ba? Siya lang naman si Karen Sandoval. Ang super star ng lahat ng photographer. Kilala siyang sikat na model at magaling naman talaga siya.

"Good take!" sigaw ng photographer

Naglakad naman si Karen papunta sa upuan niya atsaka nagtext ito.

"Ma'am gusto niyo po ba ng kape?" tanong ng assistant niya

Tinitigan niya lang ang assistant niya atsaka ito nagpatuloy sa pagtetext niya.

"Umalis ka sa harap ko" sabi niya dito

"O-Okay po" at umalis naman agad ang assistant niya.

Ang sabi ko magaling siyang modelo hindi ko naman sinabi na mabait siyang model.

Maganda si Karen, si Karen Sandoval. Matangkad, maputi, singkit ang mata at maamo ang mukha.

"Ma'am tumatawag po ang mama niyo" sabi ng assistant niya

"Tell her I'm busy, mamaya na kami mag usap" atsaka tumayo ito at nagsimula na maglakad palayo.

"Yabang" bulong ng assistant niya

Mabait yan, pero hindi nga lang halata. ^____^ naalala ko nanaman tuloy ang una naming pagkikita.

**********

First Disaster

"Ladies and Gentlemen, the Lopez family" anunsyo ng MC ng party

Pumasok naman ang pamilya ng mga Lopez, napaka ganda nilang tignan lalo na ang babaeng nagniningning sa kagandahan. Naka ngiti ito sa camera at halatang magaling pumustura.

Party ngayon ng isa sa pinaka kilalang businessman kaya naman nandito lahat ng mga kagaya niyang businessman din. Isa doon ang papa ko, mayaman siya syempre hindi ako.

"Hay sa wakas" bulong ko sa sarili ko ng sabihin na puwede ng kumain

Isa ako sa unang naki pila para kumuha ng pagkain, gutom na gutom na kasi ako eh. Pagka kuha ko naman ng makakain ko ay agad akong naglakad papunta sa assigned table ko.

"H-Hi" bati ko kay Karen Sandoval na kapareha ko ng table at nagtetext lang

Tinignana niya naman ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tumingin sa paligid niya.

"Hi" tipid niyang sagot at nagpatuloy na sa pagtetext

Naupo na lang ako at nag concentrate sa pagkain ng hindi niya naman ako pansinin.

"H-Hindi ka b-ba kakain?" tanong ko sa kanya habang umiinom

"No" tipid na sagot niya ulit

"Alam mo n-nakita k-kita sa billboard ang ganda ganda mo dun" pag uumpisa ko ng topic para may maka usap lang

"Do you have any problems with your tounge?" direktang tanong niya sakin

"W-Wala naman.. B-Bakit?" tanong ko sa kanya

"Because your irritating" naka ngiti nitong sabi sakin na parang may camera sa harap namin "Don't you ever talk to me again" pahabol pa niya

Ang suplada naman nito, dapat dito tinuturuan ng leksyon eh. Pero....Pano naman? Eh halos lahat ata ng gusto niya ibininigay sa kanya. Tsk Tsk.

"What are you looking at?" pagtataray niya

"W-Wala" sabi ko habang umiiling iling pa

Maka alis na nga lang, tumayo ako para kumuha ng dessert at kumuha pa ng pasta. Pero bigla naman dumulas sa kamay ko yung plato.

"B-Buti na lang d-di nabasag" nahihiya kong sabi

"Look what you did!" sigaw niya sakin

O_O

"S-Sorry! Hindi ko sinasadya" sabi ko habang pilit na nililinis ang gown niya

"Stop it!" sigaw niya atsaka nag walk out

Ngayon lahat ng tao naka tingin naman sakin bigla kaya naman ngumiti na lang ako at nag peace sign.

**********

At yun ang unang pagkikita namin. Ako? Ako nga pala si Luigi ang walking disaster? Na magkukuwento sa inyo ng isang storya. Storya ng pag ibig......?

Handa ka na ba?

Note: Handa na ba kayo? ^_^ VOTE & COMMENT yan lang po ang hinihiling ko hehe

Take Me Instead.... (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon