4 - Partners

108 3 0
                                    

Karen's POV

"Bukas maaga ang shoot natin okay?" sabi ng photographer pagkatapos ng shoot namin

"Hindi ako puwede ng maaga, may klase ako" sabi ko dito habang chinecheck ang schedule ko

"Hindi ka ba puwedeng mag absent na lang muna sa umaga?" tanong nito

"No, I have a quiz in math" sabi ko dito

"Okay iibahin na lang namin ang schedule mo" pag suko nito

Pagka alis ng photographer agad naman nagdatingan ang mga staff at personal assistant ko.

"Ma'am chemistry po ang class niyo mamayang hapon kaya puwede pa po kayong mag pahinga" sabi nito habang inaayos ang gamit ko

"Sa susunod na may photo shoot at siya ang photographer wag mong tatanggapin" bilin ko dito

"Bakit po ma'am? Siya po ang pinaka magaling na photographer ngayon" sabi naman niya na parang nagulat sa bilin ko kanina

"I don't care, napaka dami niyang demands at isa pa kaya lang siya nakilala dahil sa mga pictures ko kaya wala siyang karapatan mag mataas sakin" naiinis kong sabi sa personal assistant ko

"S-Sorry po m-ma'am kung nakialam man ako" natatakot na sabi nito

Minsan naguguluhan ako kung talaga bang mataray ako o sadyang may taong takot sa mga katulad ko?

"Okay na ba ang mga gamit ko?" tanong ko ng makapag tanggal na ko ng make up

"Opo ma'am, gusto niyo na po ba umalis?" tanong nito sakin

"Sabihan mo ang driver na lamigan ang temperature ng aircon, gusto jo pag sakay ko malamig na malamig" bilin ko dito

"Masusunod po" sabi nito

Wala pang ilang minuto dumating na ang driver at tinulungan ang p.a ko na mag ayos ng gamit habang ako nasa loob na at nag aayos ng sarili.

Pagkatapos naman mag ayos ni manong agad kaming nagpunta sa restaurant para makapag lunch na at pagkatapos kumain ay deretso school na agad.

"Ma'am? Ma'am gising na po" dinig kong sabi ng p.a ko

Dahan dahan akong dumilat at tinignan ang labas para malaman kung nasaan na kami.

"Where's my make up kit?" tanong ko

Binigay naman niya agad sakin ang bag at nag ayos naman ako ng sarili. Suklay, light make up and lipstick.

"Antayin niyo na ko, isa lang naman ang subject" sabi ko at tsaka bumaba ng sasakyan

Pag pasok ko ng room may mga students na at nandun na rin ang instructor, hindi naman ako late pero parang may activity na sila.

"Miss?" tanong ng instructor

"Sandoval, Karen" pakilala ko

"Okay, lahat sila may partners na puwera na lang kay Mr. Miranda sa dulo" sabi nito at nag umpisa ng mag check ng attendance

Agad naman akong naupo sa tabi ng ka partner ko. Naka ngiti lamang ito sakin pero halatang natatakot din akong kausapin.

"Malas" bulong ko

"G-Gusto mo ba magpalit ng p-partner?" tanong nito sakin

"As if may choice pa ko?" naiinis kong sabi sa kanya

"M-Meron.. Magsosolo tayong dalawa or partners tayo" naka ngiti nitong sabi

Nakaka inis. Wala na kong magagawa kundi ang maging ka partner siya for the whole term.

May binigay naman saming exercise ang instructor para sa unang lessons. Lahat sila nagpapanic na dahil mahirap agad ang binigay ng exercise.

"Hay.." buntong hininga ko

Parehas kasi kaming walang ginagawa, hindi ko alam yung exercise at siya naman pinaglalaruan lang ang ballpen.

"Naiinip ka na ba?" bulong nito

"Yes" tipid kong sagot

"Gusto mo ng umuwi?" tanong niya

"Obviously, yes. Pagod ako sa photo shoot kaya gusto ko magpahinga" sabi ko dito

"Okay" sabi naman niya

Nagulat na lang ako ng nangangalahati na ang exercise na sinasagutan niya. Walang bura at walang tigil. Dire diretso ang pagsusulat nito hanggang sa matapos.

"T-Tara" naka ngiti niyang sabi at sabay kaming nagpunta sa harap at ipinasa ang papel

"Okay, Mr. Miranda and Ms. Sandoval you may go" naka ngiting sabi ng instructor

"Thanks sir" sabi naman niya sa instructor

Habang lumalabas kami naririnig pa namin ang reklamo ng ibang kaklase namin. Ako naman hindi makapaniwala sa nangyari.

"Hi Karen" bati ni Baron sakin

Nakita ko naman na naka ngiti siya at pagkatapos tumingin kay Miranda.

"Magkasama kayo?" tanong nito

"Chemistry partner" sabi ko

"Ang malas mo naman" natatawa nitong sabi sakin

Malas nga. .

Teka.. sa palagay ko hindi...

"Hindi naman" sagot ko

"Oh.." bigla niyang sabi at huminto sa pag tawa "Anyways, bukas labas tayo ah?" naka ngiti nitong sabi

"Yup" tipid na sagot ko

"Alis na ko, bye" kumaway siya at umalis na

"Uh hatid n-na kita" bigla naman sabi ni Miranda

"I have my car" sabi ko dito

"Edi ihahatid kita sa kotse mo" naka ngiti nitong sabi

"Nakakapag salita ka naman pala ng diretso eh" naka ngiti kong sabi dito

Sa palagay ko malaki ang pakinabang ko sa Miranda na to. Malaking malaki.

Note: Vote and Comment

Take Me Instead.... (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon