5 - Date

77 1 0
                                    

Karen's POV

Sumama ako kay Baron, niyaya niya kong makipag date. Wala naman akong photo shoot at yung assignments ko?

*Flashback*

"Hi Luigi" bati ko dito

"U-Uy Karen, hi" naka ngiti nitong bati sakin at parang gulat na gulat pa

"Luigi magkaibigan naman tayo diba?" tanong ko dito

"Akala ko ba ayaw m-mo?" tanong nito

"Well, dati yun hindi na ngayon" naka ngiti kong sabi dito

"Talaga?" naka ngiti nitong sagot

"Oo naman, officially friends na tayo" sabi ko dito

"Oo naman, o-official" naka ngiti parin nitong sabi

"Luigi hihingi sana ako ng pabor sayo" pag uumpisa ko

"Ano yun?" tanong nito sakin

"Puwede bang ikaw na lang gumawa nung assignment ko? Medyo busy kasi ako mamaya eh" sabi ko dito with my paawa acting

"Oh s-sige" sabi nito at tsaka kinuha ang notebook sa kamay ko "Ako na bahala m-magpahinga ka na" naka ngiti nitong sabi

"Talaga? Salamat ah? Maraming salamat talaga" at tsaka ako umalis para sumama kay Baron

*End of Flashback*

"Nag eenjoy ka ba?" tanong ni Baron

"Oo naman" tipid kong sagot dito

"Sabihin mo lang sakin kung gusto mo ng drinks or anything" sabi nito habang inaayos ang buhok ko

"Your drunk" natatawa kong sabi dito

"No I'm not, come on let's dance" hinawakan nito ang kamay ko at nagpunta kami sa dance floor

Enjoy naman kasama si Baron eh masaya siyang kasama at nasasakyan lahat ng trip ko. Kaya lang minsan may pagka mayabang siya at maangas.

"Ano ba! Nananadya ka ba?!" sigaw nung lalaki sa isa pang lalaki

"Ano bang problema mo?" sigaw nung isa

"Baron tara na" bulong ko dito

"Teka, magsusuntukan na to eh" natatawang sabi nito

"Eh g@go ka pala eh!" sigaw nung lalaki at tsaka sinuntok yung kaaway niya

"AAAAHHHHH!!!!" sigawan ng mga babae

"Baron tara na!!" sigaw ko

"Sandali ano ka ba" tinanggal nito ang kamay ko sa braso niya "sa puti ako!" natatawa pa nitong sigaw

Maya maya pa naglabas ng kutsilyo yung lalaki dahilan para magtakbuhan ang mga tao sa loob ng bar.

"Baron?!" sigaw ko ng mawala bigla si Baron

"Ikaw! Ang tapang mo ah?! Gusto mong maka tikim!?!" sigaw nung lalaki at tumakbo malapit sakin

"Ahhhh!!!!" pumikit na lang ako at tinakpan ang mukha ko sa sobrang takot

*BOOGSH!!!*

"K-Karen? Okay k-ka lang?" tanong nito sakin

Tinanggal ko ang pagkaka takip ng aking mukha at tinignan ko ang lalaking nag tanong sakin. May hawak itong stick na pinampalo niya dun sa lalaking sasaksak sakin kanina.

"Luigi!!" sigaw ko dito at tsaka umakap sa kanya ng mahigpit

"Shhh shhh A-Andito na ko" inakap din ako nito at hinimas ang likod ko para kumalma

"Salamat, salamat Luigi, maraming salamat" paulit ulit kong sabi dito

"Ano ka ba? Kaibigan mo ko diba? Wag ka ng umiyak" sabi nito habang tinatapik ang likod ko

Nang sabihin niya yun bigla na lang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Naguiguilty ako kasi ginamit ko lang siya kaya ako nakipag kaibigan sa kanya pero ito siya iniligtas ako dahil kaibigan ang tingin niya sakin.

Note: Maikli? Kailangan ko kasi ng motivation mag comment kayo hahaha mag vote na rin kayo salamts

Take Me Instead.... (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon