8 - Mr. Escort

110 6 4
                                    

Karen's POV

Kalagaling ko lang sa shooting pero gusto kong pumunta ng school para sa event. Gusto kong makita si Luigi ^_^ syempre gusto ko rin naman mag enjoy kahit medyo pagod.

"Hi Karen, buti nakarating ka" naka ngiting bati ni Baron

"Oo naman puwede naman magpunta lahat ng students diba?" sarcastic kong sabi sa kanya

"Sino escort mo? Alam mo puwede ko naman iwan ka date ko para tayo ang partners" naka ngisi na sabi ni Baron sakin

"Hindi, may ka date na ko" sabi ko naman sa kanya

"Sino? Si utal? Bakit mo ba pinagtyatyagaan yun?" natatawa niyang tanong sakin

"Excuse me lang Baron ha? Yung utal na sinasabi mo ay yung nag ligtas sakin nung tumakbo ka dahil sa takot mo sa mga nagsusuntukan sa bar" sabi ko sa kanya at tsaka siya iniwan

Pag pasok ko sa venue puro flash ng camera ang nakita ko at mga ibang estudyanteng nagkaka gulo

"Ang ganda niya" sabi ng isa

"Sino kaya ang ka date niya?" tanong naman nung isa

"Grabe model na model talaga ang dating" sabi nung babae sa boyfriend niya

"Guys! Ito! Ito ang ka date ni Karen! Isang utal na nerd" sigaw ni Baron

Pag tingin ko naman sa likod ko nakita ko si Luigi na bitbit ni Baron sa batok at parang hiyang hiya ito. Narinig ko naman ang tawanan ng mga estudyante.

"Hiphop ang dating pre ah?! Karen ito ba ka date mo? Puwede ka pang mag back out" pang aasar ni Baron

Naglakad naman ako papunta kaila Baron at Luigi, si Luigi naman naka yuko lang at parang nahihiya na sa ginagawa ni Baron.

"Ano babe? Tayo na lang mag date?" tanong sakin ni Baron

Nginitian ko naman siya at tsaka siya sinampal ng malakas. Narinig ko naman ang iba't ibang reaction ng mga tao.

"Hindi ko ipagpapalit si Luigi sa isang katulad mo Baron kaya get lost" sabi ko sa kanya at tsaka hinila si Luigi palayo kay Baron

Umalis naman si Baron na parang buwisit na buwisit dahil sa pagkakapahiya niya. Na upo naman kami ni Luigi sa may table namin at inayos ko ang damit niya na gusot gusot na dahil kay Baron.

"Mukha ba kong hiphop?" bulong niya sakin

"Hindi naman ah? Hindi lang marunong tumingin ng fashion yun" pag cheecheer up ko kay Luigi

Nag umpisa na rin naman ang event at kumain na lang muna kami ni Luigi dahil nahihiya parin ito sa nangyari kanina.

"Uhm... Karen puwede ka bang makasayaw?" tanong sakin ng kaklase namin

Tumingin ako kay Luigi at ngumiti lang ito sakin. Pumayag na lang ako nakaka hiya naman kasi kung hindi ako papayag mamaya sabihin pa sakin ang arte at suplada ko.

Madami rin akong naka sayaw at mga naka usap na rin, si Luigi naman ayaw umalis sa kinauupuan niya T^T naiinis na ko sa lalaking to ah gusto ko siya ang first dance ko pero ayaw niya naman akonh ayain.

"Okay last dance na po ito kaya kung sino gustong magsayaw sumayaw na kayo" announce nung MC

Tinignan ko naman si Luigi pero naka upo parin ito. Madami naman nag aaya sakin pero tinanggihan ko naman ang mga ito.

Dahan dahan naman ako lumapit kay Luigi at hinarap ito.

"Oh? Bakit hindi ka nagsasayaw? Malapit ng matapos ang music" sabi ni Luigi

"Luigi, ikaw ang escort ko pero hindi ikaw ang naging first dance ko ngayon last dance na at matatapos na ang music hindi ka parin ba tatayo diyan at aayain ako?" naiinis kong tanong sa kanya

"Ha? Gusto mo bang sumayaw?" tanong niya

"Oo kanina pa" inis kong sabi dito

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya para magpunta kami sa dance floor.

"Okay that's it guys" sabi ng MC at natapos na ang music

Nag alisan na din ang mga sumasayaw kanina pero wala akong paki alam at hinila ko parin si Luigi sa gitna.

"Wala ng music Karen" sabi sakin ni Luigi ng mahinto kami sa gitna ng dance floor

"Kasalanan mo to eh, kung sana niyaya mo ko kanina sana nakapag sayaw tayo" naiinis kong sabi dito at tinalikuran siya

Marami rin nakatingin saming dalawa dahil kami na lang ang nasa dance floor at nasa gitna pa. Paalis na sana ako ng hilahin naman ako ni Luigi dahilan para mapa lingon ako sa kanya.

Ang mukha niya one inch na lang ang pagitan sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo?" bulong ko sa kanya

"Our last dance" naka ngiti niyang sabi

Nilagay niya ang kamay ko sa sa may balikat niya, at ang kamay niya naman nilagay sa may bewang ko. Sabay naman kaming gumalaw at na slow dance kahit wala naman tugtog.

"OMG nakaka kilig!" sigaw nung babae

"Ang suwerte naman ni Luigi" sabi nung isang lalaki

Marami pang nagsasalita at naghihiyawan pero wala kaming paki alam ni Luigi dahil saamin kami lang ang tao sa dance floor na yun. Madami din nag picture samin at yung iba ata nag video pero wala na kaming paki pa dahil sa ngayon si Luigi lang ang nakikita ko.

Matapos ang event nag uwian na ang mga estudyante at kami naman ni Luigi naglalakad palabas.

"Salamat ah?" sabi nito sakin

"Saan?" tanong ko

"Dahil ako ang pinili mong escort at ako ang last dance mo" naka ngiti niyang sabi sakin

"Ayos lang yun ano ka ba" sabi ko sa kanya

"Karen, papakilala sana kita sa parents ko" sabi niya sakin na parang excited pa

"Kailan?" tanong ko

"Sa Saturday sana?" tanong niya "Kung okay lang naman sayo" habol pa niya

"Sabado? Sige" payag ko

"Talaga?! Yes!" excited niyang sabi at tsaka ako hinalikan

O_O

"Uhm... Bye!" nahihiya niyang sabi at tumakbo palayo sakin at ako naman naiwang naka tulala

Pagka halik niya kasi sakin dumaplis sa may gilid ng lips namin......

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?.

.

Note: Mag comment at bumoto kayo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take Me Instead.... (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon