Chapter 4

6 3 0
                                    

Busy ako sa pag bobotones ng aking polo ng may kumatok sa aking kwarto, ngayon na ang simula ng araw ko sa KIS kaya maaga akong nagising para mag handa.

Pinagbuksan ko ito at bumungad sa akin ang aking kaibigan na sobrang ayos ang itsura, bagay na bagay sa kanya ang uniform namin, mas lalo siyang gumagwapo kaya hindi nakakapagtaka na ang daming nagkakagusto sa kanya at isa na ako doon.

"Aga mo naman dumating" dumeretso upo siya sa gilid ng kama ko habang busy naman ako sa pag aayos ng ribbon ko na ilalagay sa aking dibdib

"Excited ako eh, first time kaya nating sabay na papasok sa school" sagot niya naman habang busy sa pag tingin sa bag ko

"Kotse mo ba gagamitin natin? Or papahatid tayo sa driver namin?"

"Syempre kotse ko" isinukbit niya ang bag ko sa balikat niya at kinuha narin niya ang mga libro ko na nakalagay sa tabi ng bag ko para bitbitin

"Wow, ang saya naman pala mag aral dito at may taga bitbit ako" pang aasar ko sa kanya kasi mukha siyang alalay ko

"Exercise nadin 'to sa muscle ko kaya pasalamat ka at strong 'tong kaibigan mo" pagyayabang niya sa muscle niya, palibhasa alagang gym

"Edi salamat, tara na alalay ko" pang aasar ko pa ulit sa kanya bago lumabas ng tuloyan sa kwarto

"Ang gwapo kong alalay ha" rinig kong habol niya

"Nyenye whatever, nakita mo ba si Jm?" Tanong ko sa kanya

Baka kasi sasabay sa amin yung pinsan kong yun.

"Oo, nakasalubong ko kanina pero nagmamadali siya basta sabi niya lang-  Tell Belle that I'm chasing my dream" 

"Wow ayos din ah, nainlove lang nakalimutan na mag good morning sa akin bago umalis"  hindi ako nagtatampo or what ha, maganda nga yun na may isang babae nalang siyang kinahuhumalingan kaysa papalit palit siya ng babae

"Ako nalang mag gogood morning sayo, btw GOOD MORNING" ngiting ngiting bati ni Ynnod

Sumakay na ako sa kotse niya habang nilalagay niya ang gamit ko sa likod at tsaka umikot papunta sa upuan niya

"Late pa Goodmorning mo ha" sagot ko

"Okay lang yan, presensya ko lang sapat na" natawa pa siya sa sarili niyang kalokohan, tsk baliw talaga

Hindi nalang ako umimik kasi baka mapikon ko pa siya.

"Hatid kita sa room niyo tapos sunduin kita kapag lunch time na para sabay sabay tayo" napatigil ako sa pagkalikot ko sa mga gamit niya dahil sa sinabi niya

"Mukha ba akong kinder at kailangan hatid sundo?" Salubong na kilay kong tanong, hindi naman sa ayaw ko syempre gusto ko lang malaman yung reason kasi baka umasa nanaman ako sa wala

"Baliw, syempre baka mamaya may biglang pumorma sayo dyan sa tabi tabi" sagot niya na mas lalong nagpagulo ng utak ko

"Eh ano naman kung may pumorma? Wala naman akong boyfriend kaya walang magagalit, maliban nalang kung nagseselos ka" pabiro kong saad pero meron sa loob loob ko na sana sabihin niyang OO

"hindi ka pa legal age kaya bawal pa ang boyfriend at oo magseselos ako syempre" natatawang sagot niya na nagpawala ng konteng ngiti ko sa labi at nagpabilis ng tibok ng aking puso

"Mag seselos ako kasi nasanay ako na ako lang yung nakakalapit sayo ng ganito tapos sa akin ka pinaka komportable, syempre kapag nagka jowa ka na edi sa kanya ka na magiging komportable at sasama sama tapos kailangan ko ng dumestansya para respeto narin sa kanya dahil baka ako pa pagselosan nun" nakangiti paring paliwanag niya

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon