CHAPTER II

4 1 0
                                    

"Hahaha hija bakit naman ganyan ang ayos mo? is this what they call trend?" agaw atensyon ng may edad na lalaki. Nakangiti ito at  bukas ang galak niya sa di ko malamang dahilan.

"Sh-she just came back from province Mom, Dad" mula sa likod ko ay may nagsalita, dahilan upang kumalas sa pagkakayakap ang ginang sa akin. "Bakit hindi niyo naman po sinabing ngayon ang dating niyo?"

Lumapit ito at hinigit ako sa baywang!

Pvta! anong ginagawa nitong gag*ng to! gusto niya atang masuntok!

"That's alright hijo. we want to surprise the both of you and we also have Toys for Keith, namimiss na kasi ng Dad niyo Ang apo niya" Nakangiting sagot ng ginang na hindi parin maalis ang mga mata sakin. Nakikita ko ang pangungulila sa mga mata niya.

"Ano bang--"
napakunot ang noo ko ng magtama ang mga paningin namin. Iaangat ko na sana ang kamay ko pasuntok sa kanya pero mula sa likod ay hinila niya iyon! tar*ntad* kang lalaki ka!

"Is there any problem my daughter?" nag aalalang tanong ng matandang lalaki, tingin ko'y napansin nito ang pasimpleng pagtatalo namin.

Ano bang drawer yon?

"Eh Kasi ho--"

"None Dad, nagkatampuhan lang kami kanina that's why mainit ang ulo nitong anak ninyo sakin he-he" Hindi niya hinayaang magsalita ako! nakangiti siya ngunit pasimpleng pinandilatan ako nito. Kaya Ganon din ang ginawa ko! kala niya magpapatalo ako!

Teka?! anak!? sila ba yong sinasabi niya kanina sa steady room?!

"HAHAHA our daughter is really like you Devine napakamatampuhin din" napapailing na sabi ng matandang lalaki sa wheelchair. "By the way where's my grandson?"

"He's in the living room. He has class today. Maya-maya ay darating na Ang tutor niya"

Pumasok ang dalawa sa loob ng mansyon, samantalang kaming dalawa ng ugok! na to ay naiwan. Agad kong binaklas ang paghawak nito sa braso ko at tinulak siya dahilan para mapaatras ito. kanina pa ko nagtitimpi na gawin to!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!" galit na sabi ko "Hindi ako pumayag sa sinasabi mo hindi ba? ang hina naman ng kokote mo kung hindi tayo nagkaintindihan kanina?!"

Wala kong pakialam kung may makarinig sa pag sigaw ko!

"Stupid!" Mariing napapikit na naman ito at alam kong gusto nadin ako nitong sapakin.

Pwes! Wala Kong pakialam ! magsapakan pa kami! sanay akong makipagsuntukan sa mga lalaki!

"Ano stupid?! baka ikaw ang stupido! gag*ng to naiintindihan kong minumura mo ko!" kinwelyuhan ko ito kaya napalapit ang mukha ko sa kanya. Gusto kong baragin yon dahil naiirita ako sa pagpupumilit niya. Dadapo na sana ang kamao ko subalit naharangan niya ito gamit ang isang kamay at pabalya akong ibinangga sa pader!

Pvtang in* ansakit sa likod! mas malakas siya!

Hawak nito ang dalawang kamay ko ng mahigpit at idinikit sa matigas na pader.

"AGH! GAG* KA! Pakawalan mo ko!" mura ko sa kanya ng maramdaman kong hinigpitan nito lalo ang paghawak sakin.

"Listen b*llsh*t woman!" dinuro ako nito at matalim ang mga matang tumingin sa akin "if I didn't do that sa tingin mo anong possible na mangyari ha?!"

Sigaw nito. Hindi ako natatakot sa kanya sa halip ay nilabanan ko ang matalim na tingin niya pabalik.

"I've told you earlier na kaunting mali lang ay posibleng atakihin ang Dad ng Asawa ko! Ang liit din ng kokote mo para hindi makuha yon!" mariin ang pagkakasabi nito. Napakurap ako at napaiwas ng tingin. Alam ko ang pakiramdam na yon. Maging desperado para sa ikabubuti ng pamilya mo pero kahit anong dahilan ay hindi ako sang-ayon sa balak nito.

Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon