{09} PAGLALAKBAY

321 28 16
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Subalit nais kong sumama.." Pangungulit ni Taehyung habang nakahawak sa laylayan ng damit ni Jungkook. Hinawakan ni Jungkook ang kamay niya at tinanggal iyon sa damit nya.

"Hindi ka isang engkantado o bampira kaya huwag na. Dito ka na lamang sa palasyo. Hayaan mo na lamang silang umalis sapagka't babalik din sila mamayang gabi." Sabi ni Jungkook saka nag-cross-arms. Nakasimangot na tiningnan ni Taehyung sina Jimin na nagpapaalam na kina Emerio at Thalia.

"Bakit si Hobi hyung kasama?" Tanong pa ni Taehyung. "Sapagka't nais nyang siyasatin ang dalawang kaharian. Nais nyang tingnan ang kanilang palasyo. Hindi ka na kailangan pa doon kaya huwag ka ng makulit." Sabi pa ni Jungkook.

"Subalit nais ko talagang sumama, meron o wala mang pahintulot mo." Sabi ni Taehyung na kinalingon sa kanya ni Jungkook. "Ako ba'y sinusuway--"

"..alam kong asawa mo'ko at meron ka talagang karapatan sa akin pero kapag gusto ko ang isang bagay, walang makakapigil sakin kahit ikaw? Gets mo ba, Baby Bun? Walang makakapigil sakin kaya dyan ka na. Bye byee, Love. Sasama ko sa kanila." Sabi ni Taehyung habang patakbong naglalakad palapit kila Emerio. Nakuha pa nitong kumindat at mag-iwan ng flying kiss kay Jungkook.

"Mga kamahalan, nais ko po sanang sumama kila Jimin---"

"HUWAG! HINDI KITA PINA- HIHINTULUTANG LUMABAS NG KAHARIAN." Singit ni Jungkook habang kunut na kunot ang noo. Nagkatinginan na lamang ang mag-asawa lalo na nung mapasimangot si Taehyung.

"Baby Bun, alam kong mamimiss mo'ko pero wag mo naman akong bawalan. Gusto ko rin namang makita ang kaharian nina Chim at Jin hyung pati na nina Yoongi hyung at Joon hyung. Alam mo, para di ka na mag-alala ay ibilin mo na lang ako kay Hobi hyung, para makabalik ako ng buo at ligtas." Mahabang sabi ni Taehyung na para bang tunay nyang asawa si Jungkook na natulala pa ng ilang segundo.

"Ano ba ang iyong pinagsasasabi? Binabawal kitang sumama sa kanila sapagka't baka anong gawin mo." Singhal ni Jungkook habang naglalakad palapit. "Kung kaya't Ama, Ina, huwag nyo na lamang po syang pasamahin--"

"Mas makabubuti at ikatatahimik ng lahat kung ika'y sasama na lamang, anak. Batid kong nais mong magliwaliw sa labas ng ating nasasakupan. Ibibigay ko sa iyo ang buong araw na ito upang magpakasaya sa labas. Tutal ay ayaw mo rin namang pakawalan si Taehyung ay sumama ka na lamang at bantayan sya, batay na rin sa iyong kagustuhan." Sabi ni Emerio kaya napapitik sa hangin si Taehyung.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon