{05} HINDI MAGKASUNDO

372 27 65
                                    

(Okay Ange_kim7 heto na, haha)

KIM TAEHYUNG'S POV

"Jin hyung, sigurado ka bang hindi nangangagat sina Namjoon hyung at Yoongi hyung? Sigurado ka rin bang hindi ako susunugin ni Jungkook? Ang sama kasi ng tingin nila sakin." Bulong ko habang naglalakad kaming tatlo. Nasa likuran namin ang apat at tanging si Hoseok hyung lang ang ngumingiti sa tuwing lilingon ako.

"Mabuti naman silang bampira, Taehyung. Hindi rin sila tulad ng iba na kumikitil ng buhay para sa kanilang pagkain, mga disiplinado sila. Si Jungkookie, ang totoo niyan ay hindi lamang elemento ng apoy ang hawak nya, maski tubig, lupa at hangin ay kaya niyang gamitin. Subalit huwag kang mag-alala sapagkat hindi niya iyon ginagamit sa masama." Nakangiting sabi ni Jin hyung pero parang di gumaan ang loob ko.

MAS NATAKOT PA'KO!

"Hala! Deh kaya nya kong lunurin? Pakain sa lupa? Pasama sa ipu-ipo? Waahh!!!" Naghihisterikal kong sabi na kinatawa nya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jimin kaya napalingon ako sa kanya.

Kung gaano kagwapo ang future hubby ko ay sya namang kina-cute ng Chim na'to. Ang sarap ibulsa tas iuuwi ko samin, haha.

"May dumi ba sa aking mukha, Jin hyung? Nakaiilang ang kanyang matagal na pagtitig." Sabi ni Jimin kaya napakurap ako.

"Patawad, Jimin. Ang cute mo kasi." Sabi ko na kinakunot ng noo nya. "Ano ang salitang cute?" Tanong nito na kinatapik ko sa noo ko.

Taehyung, pwede bang wag ka na lang magsalita? Kung anu-anong nasasabi mo na napupunta sa paliwanag. =_=

"Salita yun sa aming mundo." Sagot ko.

"Ano ang ibig sabihin niyon? Ganun ang aking hitsura?" Tanong ni Jimin at napahawak sa kaniyang pisngi. "Huwag kang mag-alala, Jimin. Hindi naman masama ang ibig sabihin nun. Maganda, kahali-halina ang iyong hitsura na nais na lamang kitang yakapin ng mahigpit. Parang ganun ang ibig sabihin nun." Sabi ko na kinapula ng pisngi nya.

"Nakatutuwa naman pala ang ibig sabihin ng salitang cute. Kung ganun ay ganoon ang tingin ko kay Yoongi hyung." Sabi nito na sabay naming kinasamid ni Jin hyung. "Jimin-ah, hindi ka pa ganun katanda para magsabi ng ganyang mga bagay." Sabi ni Jin hyung.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon