{44} ANG SINGSING

268 26 48
                                    

Third Person's POV

"Kahapon pa walang malay si Lynx at si Taehyungie----wala sa sarili." Sabi ni Seokjin sa salaming kaharap nya. Naroon ay nakikita nya ang lahat ng kamahalan mula sa Silvania.

"S-Si Jungkookie po ay nawawala at si Hobi hyung ay di makausap ng maayos." Narinig nya ang pagsinghap ng mag-asawang Elementalist na kinapikit nya ng mariin.

"Ayos lamang po kaming apat nina Jiminie, Namjoonie at Yoongi pero may isa pa po kaming piniproblema. Wala pong malay si Bogum mula kahapon at nangingitim ang paligid ng labi at mata nya." Pagbibigay-impormasyon nya pa sa mga kamahalan.

"Sino si Bogum?" Tanong ni Pharrel.

"Kaibigan po ni Taehyungie na naging kaibigan na rin po namin. Ginamitan po yata sya ng mahika ni Esperanza kaya ganun na lamang po ang epekto sa kanya." Sabi ni Jimin na nasa likuran ni Seokjin.

"Sumosobra na talaga yang Esperanza na yan." Asar na sabi ni Celestia. "Maari ko bang makausap si Taetae?" Tanong ni Celestia kaya nagkatinginan ang magkapatid na engkantado.

"Sinaksakan po sya ng pampatulog ni Tiya Lucia dahil hindi po namin sya mapakalma kanina. Nawalan po sya ng malay kahapon at paggising nya kaninang umaga ay di na namin sya makausap. Bigla po syang umiyak, nagwala at maski sarili nya ay sinasaktan nya. Sa sobrang takot po namin ay hinayaan po namin si Tiya Lucia na saksakan sya ng pampatulog." Paliwanag ni Jimin na kinayuko ni Celestia.

"Bakit hindi ko naisip na maari nyong ikapahamak ang pagpunta dyan? Bakit hinayaan ko kayo na pumunta dyan ng hindi ako kasama---" napahinga ng malalim si Celestia.

"Kapag nagising alinman saking mga anak ay ipakausap niyo sana sa akin. Kailangan ko silang makausap pareho." Sabi ni Celestia na halatang kinakalma lang ang sarili.

"Nauunawaan po namin, kamahalan." Sabi ni Seokjin at dun ay tinapos na nila ang pag-uusap sa salamin. Sabay na napabuntong hininga ang dalawa bago lumabas ng kwarto.

Sumalubong sa kanila si Namjoon na nagbabasa ng aklat at naghahanap ng maaring solusyon kay Bogum, katulong nya si Seokjin sa kasong iyon.

Si Yoongi naman ay abala sa pagtulong kay Lucia sa pag-aalaga sa kambal na Luna na kapwa walang malay. Nanatiling nakatulala sa kawalan si Hoseok, halatang wala sa sarili dahil sa kablangkuhan ng ekspresyon.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon