{51} PAG-IISANG DIBDIB

336 24 55
                                    

sorry for grammatical errors, it's not proofread yet.

Third Person's POV

"Ganito ba talaga yun?" stress na tanong ni Taehyung habang nakatingin kila Jimin at Jin na kapwa nakangiti sa kanya. "Oo, diba Lynx?" tanong ni Jin saka nilingon si Lynx na abalang-abala sa pag-aayos ng bulaklak na ilalagay sa ulo ni Taehyung.

"Oo, Taetae. Ganito talaga ang kasal sa Silvania. Isa pa ay mas engrande ngayon dahil prinsipe ng Silvania at prinsipe ng Lunna ang ikakasal. Tunay na inaabangan ito ng lahat." sagot ni Lynx saka nilapitan si Taehyung.

"Pero bakit ganito yung suot ko? Halos wala na'kong natago." reklamo ni Taehyung dahil sa suot nyang see-through. Ngumisi si Lynx saka hinaplos ang balikat ni Taehyung.

"Ganiyan talaga ang isinusuot sa kasal upang masigurong buntis na kinabukasan ang bride." sagot nito na kinasamid ni Taehyung. Halos mamula ang buong mukha nya sa pag-ubo dahil na rin sa pinagsasabi ni Lynx.

"Grabe naman." awkward na sabi ni Taehyung kaya napalo ni Jimin ang braso nya.

"Kunwari ka pa eh pinakahinihintay mo ngang may mangyari senyo ni Jeon. Wag mo nga kaming inaano, Kim." sabi ni Jimin kaya napakagat si Taehyung sa labi nya.

"H-Hindi---nahihiya na'ko ngayon. Pakiramdam ko ay nag-mature na---"

"And that explains those r18 comics on your room when we're on human world, huh?" Lynx said. "H-Hoy! Bakit ka pumapasok sa kwarto namin ni Jungkookie?!" reklamo ni Taehyung kaya nagkibit-balikat si Lynx.

"Dahil siguro naghahanap ako ng mababasa pero yun ang nahanap ko? So ano palang magandang posisyon, Taetae?" tanong ni Lynx na kinapula ng buong ni Taehyung.

"A-Ano---ewan ko!" mabilis nyang sagot na kinatawa ni Lynx. Sumilip sa bintana si Taehyung at napansin na halos lahat ng nilalang sa mundo na yun ay nasa kaharian na ng Silvania. Naramdaman nya ang pag-akbay ni Lynx sa kanya.

"Inaaasar man kita ay gusto ko lang sabihin sa iyo na napakasaya ko dahil kayo pa rin Jungkook-ah ang ikakasal sa huli. Napakarami nyong pinagdaanan na parang kung ako ang magbabasa ng kwento nyo ay iisipin kong di maganda ang dulo. Natutuwa ako sapagka't marami mang nanggulo at nagbalak sumira sa inyo ay di kayo nagpatalo. Alam kong sasaya ka sa kanya, Taetae." sabi ni Lynx kaya maluha-luha syang tiningnan ni Taehyung.

The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon