"Congratulations for another mission accomplished!" Puri ng aming head habang tinatapik ang aking balikat. Kasalukuyan kaming nakatayo sa balcony ng office nito kung saan tanaw ang kamaynilaan. Pinatawag ako nito upang kausapin at batiin na rin sa nalutas na kaso. "Napakalaki talaga ng tulong mo sa ating organisasyon. Paano na lang kaya ang Falcon Society kung wala ka?"
Ang Falcon Society na tinutukoy niya ay ang organisasyon na sinalihan ko upang maging isang Detective. Isang organisasyon kung saan nakikipagtulungan ang gobyerno at kapulisan ng bansa upang mapadali ang paglutas ng isang kaso.
Mababakas sa mukha ng aming head ang lubos na kasiyahan.Bukod kasi sa binabayad ng gobyerno ay tiyak na ang pasok ng pera sa organisasyon galing sa mga nakukuha namin sa sindikato."Not until I crushed Geo-Dynamics I won't take it yet as a mission accomplish," pangangatwiran ko habang nakangiti ng mapakla.
I took up the beer and straight it up. Bakas sa mukha niya ang pagkabahala.
"Shadow you have to take it easy. Para mo na rin sinasabing naghuhukay ka ng sarili mong libingan," he said and handed me another bottle of beer.
"How am I suppose to take it easy? Ako nagdurusa habang yung Oliver Saavedra na yun malayang nakakapagsaya." I frustratedly reasoned out. Nakuyom ko ang aking kamao.
"Pader ang babanggain mo. Wala kang sapat na lakas para buwagin 'yun,"
"Wala akong pakialam kahit pader siya. Buhay ang inutang niya kaya nararapat lang na singilin ko siya." anger and pain was all over my face.
Naramdaman ko ang pamilyar na sakit limang taon na ang nakakaraan. Parang isang sirang plakang nag- umpisang maglaro sa isip ko ang mga naganap na tila ba kahapon lang nangyari ang lahat.
"I love you," bulong ni Emerald habang naglalakad kami papasok ng bahay.
Ngayong gabi ay ipakikilala ko na si Emerald sa aking pamilya hindi bilang kasintahan kundi bilang mapapangasawa na. Niyaya ko na siyang magpakasal na hindi naman niya tinanggihan.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"I love you too," tugon ko habang hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. Bahagya ko pang kinintalan ng halik ang kanyang mga labi na lalong ikinalapad ng ngiti niya. "Sus! Kinilig ka naman." pang- aasar ko pa kaya mas namula ang kanyang mukha.
"Sira ka talaga! Tara na nga at baka naiinip na sila kakahintay sa atin." aya ni Emerald.
"Mukhang may hindi na makapaghintay maging Mrs. Santi Laxamana," tudyo ko na ikinatawa lang lalo ng dalaga.
Inakay ko siya papasok sa loob ng bahay. Ngunit ang kasiyahan ng mga oras na yun ay napalitan ng takot nang pagkapasok namin sa loob ay pinalibutan kami ng mga armadong lalaki.
"Sino kayo?" tanong ko habang itinatago sa aking likod si Emerald para maprotektahan dahil nagsisimula na siyang manginig sa takot.
Walang sumagot ni isa sa tanong ko. Basta na lamang lumapit ang mga ito at hinila si Emerald palayo sa akin.
"Santi!" Paghingi niya ng tulong sa akin habang pilit nagpupumiglas sa mga taong may hawak sa kanya at pilit inaabot ang kamay ko.
"Emerald!"
Sinubukan kong makalapit dito ngunit bigo ako. Hinarang na ako ng lima pang lalaking nandoon para tuluyang hindi makalapit at ang tanging nakita ko na lang ay ang pagkaladkad ng dalawang lalaki kay Emerald sa kusina.
Nakipagbuno ako. Suntok dito, suntok doon. Sipa riito, sipa roon. Hindi ko ininda ang sakit ng mga ginagawa nila. Panay lang ang ganti ko ng suntok kahit na sobrang nararamdaman ko na ang pagod at panghihina. Hindi ko na din maidilat ang aking kaliwang mata at ang sugat na natamo ko sa bandang kilay ay wala ng tigil sa pagdurugo. Nag uumpisa na rin ang pagsuka ko ng dugo.. Pero patuloy lang ako sa ginagawa. Hindi ako pwedeng maging mahina sa oras na yun dahil alam kong kailangan ako ni Emerald. Kailangan din ako ng pamilya ko. Walang mangyayari kung magpapadaig ako.

BINABASA MO ANG
Vengeance
General FictionRevenge. Isang bagay na itinatak sa kanyang isip. Ang pagbayarin ang taong pumatay sa kanyang magulang at gumahasa sa kanyang kasintahan.Kaya pinasok niya ang pagiging isang Detective.Then a cold,cruel,dangerous monster was born. Walang sinasanto. S...