Chapter Three

4 2 1
                                    

"Ate sigurado ka bang sasama ka ulit magtinda?" Inosenteng tanong ng siyam na taong gulang na nakababatang kapatid sa kanya. Halata sa boses ni Itoy na alangan itong isama siya.

"Ayaw mo na bang isama ang ate?" kinapa niya ito sa hangin hanggang mahaplos niya ang buhok nito saka marahang ginulo.

"Ate naman!"

Narinig niya ang pagpadyak ng kapatid na ikinatawa niya. Ayaw kasi nitong ginugulo ang buhok.

"Tara na nga ate para naman mapaubos natin agad itong paninda." aya nito sabay akay sa kanya.

Hindi kasi siya nakakakita kaya kinakailangan pa siyang akayin ng kapatid. Ito ang nagsisilbing mata niya. May mga oras na nagrereklamo ito pero hindi rin naman siya natitiis sa huli. Nakakabigat man sa kapatid at dagdag pa sa intindihin nito ay sumasama pa rin siya.
Ayaw niya naman maiwan sa bahay. Mas nararamdaman niya lang lalo na pabigat siya sa pamilya dahil sa kapansanan niya.
Paminsan din kasi ay may mahahabaging loob na nagpapaabot ng tulong sa kanila kapag nakikita ang kalagayan niya.
Nakakahiya man ay tinatanggap niya pandagdag na rin sa pang araw-araw na gastusin.

Ang kanilang ina naman bukod sa pangangatulong ito ang gumagawa ng kakanin na inilalako nila sa palengke bago pumasok sa trabaho.

Malapit lang ang palengke sa kanila kaya limang minutong lakarin ay naroon na sila. Pinili nilang pumwesto sa bungad ng palengke malapit sa kalsada. Mas marami ang tao na naroon kaya tiyak na mapapaubos nila agad ang dala-dalang paninda.

"Ate dito ka lang sa tabi ko. Para hindi ka tamaan ng mga tao."

"Sige."

"Kakanin kayo diyan bagong luto!" sigaw ng bata at nakisigaw-sigaw na rin siya para makatawag pansin sa mga mamimili. Di naman naglaon ay may pailan-ilan na ring lumapit.

---+++---

"Nasaan ka ba?" tanong ni Jacus.

Kausap ko ito sa cellphone habang binabaybay ko ang Hidalgo Road upang personal na makita ang crime scene ng panibagong case na natanggap ko ilang linggo na ang lumipas.

"I have to meet some clients," pagdadahilan ko.

Rinig ko ang pagpalatak niya sa kabilang linya.

"T*ng ina naman Santi. Ayan ka na naman sa palusot mo. Di ba nangako ka kay Hilary na kikitain mo siya ngayon?" pagmamaktol niya.

Napaisip ako kung sino ang tinutukoy niyang Hilary. Sa pagkakaalam ko ay wala akong sinumang pinangakuan at hindi ko kilala ang Hilary na iyon.

"Who's Hilary?"

"Seryoso 'pre?"

"Hindi ako magtatanong kung kilala ko 'yang sinasabi mong Hilary,"

"May sipon ba ang utak mong g*go ka at hindi mo maalala? You've met her 2 days ago dito sa bar," pagpapaalala niya.

'Yun lang. Ipaalala man niya kung paano ko nakilala ang babae ay wala ring saysay. Kapag hindi naman importante ay agad na itong nawawala sa isip ko.

"Tell her I'm not serious about it. Sinabi ko lang iyon para tantanan niya ako."

Aksidenteng napagawi ang tingin ko sa gilid ng daan. Nanlamig ang buo kong katawan sa nahagip ng aking mata. Hindi ako pwedeng magkamali si Emerald ang nakita ko.

I immediately stepped on the break without any hesitations. To be followed by a loud crash.

"Shit!"

Bumangga sa akin ang kasunod na sasakyan. Dali-dali akong bumaba sa kotse at tinungo ang pwesto kung saan ko nakitang nakatayo si Emerald.
Wala na akong pakialam sa komosyon na iniwan ko kahit ito pa ay nagsimula ng lumikha ng traffic. Tanging nasa isip ko lang ay ang tyansa na makita ko si Emerald at hindi ko palalagpasin iyon. Palibhasa ay palengke kaya maraming tao ang naroon. Para tuloy akong tanga na halos isa-isang tiningnan ang sinumang babae na malapit doon.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon