Chapter Two

3 2 3
                                    

Pinili kong dumiretso sa The Usual's pagkagaling ko sa opisina ng aming organisasyon. Bagay na nakagawian ko ng gawin tatlong beses sa isang linggo upang kahit paano ay makalimot.Kahit sa panandaliang oras na bakante ako.

Mapang-akit na musika ang pumailanlang sa lugar. Pawang nagkakasiyahan ang mga naroon.
Ang bawat tawa at halakhak ng mga ito ay pahiwatig sa akin na napakaswerte nila. Hindi nila dinaranas ang sakit at poot na lumulukob sa aking pagkatao ngayon.

Isang taong nabubuhay na lamang sa dilim ng nakaraan.

I straightly went to my usual spot and ordered a bottle of hard liquor. I was in the middle of drinking when someone grab my glass and drink it.

"Hey!"

"Nakakasawa na yung pagmumukha mo.Nandito ka na naman," ani Jacus na naupo sa katabing bar stool.

Si Jacus ang may-ari nitong bar at matalik kong kaibigan. Nakilala ko siya limang na taon na ang nakakaraan sa ospital kung saan isa rin siyang pasyente. Siya ang naging saksi sa lahat ng sakit at pagdurusa ko nang mga panahon na yun. Siya rin ang bukod tanging naging karamay ko sa dilim na kinasadlakan ko.

"Why did you named your bar The Usual's then?" I snatched my glass and pour some liquor again.

"Sira-ulo ka kasi. Ikaw lang ang taong nakita kong consistent ang pagiging miserable. You're the usual person-"

"The usual person who's living in a shadow of the past," I added before I continued drinking.

"T*ng Ina. Ayan ka na naman sa drama mo. Maging masaya ka naman kundi iba-ban na talaga kita rito simula bukas,"

Napapailing na lang ako.

Alam niya na ang tanging iniwan na emosyon na lang sa akin ng pangyayaring iyon ay sakit at pagkamuhi. I forgot how to smile geniunely, laugh and to be happy.
Kaya malabo ng mangyari ang sinasabi nitong sumaya pa ako. Wala na rin naman ang rason kung bakit ako masaya noon.

Ang dagdag pa sa bigat ng kalooban ko ay hanggang ngayon ay hindi ko matagpuan ang bangkay ni Emerald.

Nasaan ka na ba?

"Ano na nga palang balita sa nobya mo?" tanong niya na parang nabasa kung ano ang tumakbo sa isip ko.

"Parang naghahanap pa rin ako ng karayom sa isang bundok ng dayami,"makahulugan kong tugon.

"Mukha talaga yatang mahirap kalaban yung nakabangga mo noon ah." aniya na sinamahan na akong mag inom.

Tama ito. Mahirap ngang kalaban si Oliver.. Ni hindi ako makalapit man lang dito. Nahihirapan din akong pasukin ang lungga nito. Hindi ako makahanap ng tiyempo. Laging bantay-sarado.

"Alam ko na!Bakit hindi mo na lang subukan mag- Detective. Malay mo mas mapapadali ang paghahanap mo sa nobya mo," he suggested.

Tiningnan ko siya at sinuri kung may nalalaman ba siya ngunit blangko ang ekspresyon niya.
Hindi niya alam ang tunay kong trabaho at wala akong balak ipaalam sa kahit kaninoman. Parte ng rules ng organisasyon.

Hindi kaya may alam na ito?

"Yung private investigator nga na inupahan ko halos sumuko na sa paghahanap. Ako pa kaya?"

"Ganun na ganun yung napapanuod ko sa mga CIA movies. Walang imposible sa kanila."

Sinamaan ko siya ng tingin. Sabi na nga ba at pinapaikot na naman ako sa mga kabulaanan niya.

"My life is not a movie that everything's on the script."

"Masyado mong pinaninindigan ang pagiging seryoso mo. Malay mo naman." katwiran pa niya.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon