Chapter Four

2 1 1
                                    

"Base sa files na ibinigay ninyo at sa masusing pag-aaral ko sa kaso. Napansin ko na ang QR code na nasa kanang kamay ng mga biktima ay lumalabas na araw ng kapanganakan ng susunod na papatayin ng killer," pag-iimporma ko.

Nag-umpisa ang pagbu-bulungan na tila mga bubuyog na nag-uusap. Narito ako ngayon sa presinto malapit sa isang crime scene. Pinulong ko ang mga kumakatawan sa Crime Division Team ng iba't ibang presinto upang ipaliwanag ang aking natuklasan sa kaso. Tinipon ko rin ang mga ito upang balaan sa susunod na magaganap na krimen.

I try to show them the evidences comparing their birthdate and the QR Code on their right hands through the projector.

"As you can see. The number behind the first victim's QR Code is 516…which is the second victim's birthdate. May 16." tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ko.

"So, it means the number behind the QR Code of the last victim will be his next target?" pag-aassume ng taga Division One kasabay ng pagtaas ng kamay upang makuha ang aking atensyon.

"Yes and we need to find her immediately.  Hindi tayo pwedeng maunahan ng killer."

May tatlong araw pa kami upang hanapin kung sino ang susunod na magiging biktima ng salarin. Base sa time-frame ay siyam na araw ang pagitan bago nito isagawa ang krimen.
Lahat ng kanyang nabiktima ay pawang mga babae na nag-aaral sa iisang unibersidad.
Inalerto na rin ng kapulisan ang buong unibersidad sa serial killing na nagaganap. Minamanmanan na rin nila ang mga taong pinaghihinalaan nila na may kinalaman sa krimen.

Kinontak nila ang unibersidad upang alamin kung sino-sino mga babaeng mag-aaral doon na merong birthdate na July 17 at napag-alaman na 38 ang bilang ng mga ito.

"We need to sort them out as soon as possible. Sa dami nila magagahol tayo sa oras. Baka mamaya maisagawa na ng killer ang krimen bago pa natin matukoy kung ano ang pagkakakilanlan nito."

Pinagplanuhan namin ang mga magiging hakbang na gagawin upang mapadali ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng susunod na biktima.
Napagpasyahan ko na ako ang papasok sa unibersidad upang doon mangalap ng impormasyon. Ang kapulisan naman ang nakatokang bantayan ang 38 na babaeng mag-aaral na iyon at ang mangongolekta ng impormasyon sa labas.
Wala kaming sinayang na oras. Matapos ang pagpupulong na iyon ay sinimulan na namin ang napagplanuhan.

Naipaalam na sa Dean ang pagpasok ko bilang transferee at wala naman itong naging pagtutol. Marahil ay gusto na rin nito na mahuli ang Serial Killer upang maalis na ang takot na nararamdaman ng mga estudyante roon.

Sa buong maghapon na paglilibot sa buong unibersidad at pakikihalubilo sa ilang mga estudyante kinabukasan ay halos wala akong makuhang clue para ma-expose kung sino ang killer. Bukod kasi sa magkakaiba ang kurso ng mga naging biktima ay hindi naman sila related sa isa't isa o magkakakilala man lang ayon sa nasagap ng mga pulis.

The pressure is on. We're running out of time. 38 students ang kailangan ng seguridad habang hindi pa malinaw kung sino sa mga ito ang susunod na target ng killer.
Hindi kami pwedeng magsayang ng oras. Bukas ay isang araw na lang ang kailangan naming bunuin na oras bago pa mahuli ang lahat.

Paalis na sana ako upang sa labas na ipagpatuloy ang pagkalap ng ebidensya nang mapadaan ako sa  gilid ng Science Laboratory at may nagkumpulang mga babae sa sulok na tila may seryosong pinag-uusapan. Wala naman akong pakialam sa ginagawa nila ngunit bago pa man ako makalagpas sa kinaroroonan nila ay pumukaw sa akin ang sinabi ng isa. Dahilan upang ako ay mapahinto at matuon ang atensyon sa kanila.

"What did you just say?" tanong ko nang makalapit sa kanila. May pagtataka sa mukha na tiningnan nila ako.

Hindi nila sinagot ang tanong ko. Nagkanya-kanya silang alis na hindi man lang ako pinansin na tila wala talaga silang balak na sagutin ang tanong ko.
Aalis na rin sana ang babaeng narinig kong nagsalita kanina pero pinigilan ko ito sa braso.
Sa hilatsa ng pagmumukha nito ay masasabi kong madaldal ito kaya hindi malabong mangyari na may nalalaman ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon