18:Arts

1K 35 0
                                    

Lavenly POV

Simula nung araw na nakarating si Princess Zylen at Simula nung araw na nangaling dito ang ama ko marami ang nag bago.

Di ko na sila nakakausap parang yung hindi lang ako nag Exist sa academy nato, they are busy Protecting Zylen. Araw araw na magkasama sila even eating lunch na kahit minsan di ko nagawa.

Yung kumain na may kasamang kaibigan habang nag uusap with matching tawa na kagaya ng ginagawa nila ngayon, naglalakad sa hallway na kung ano ano ang topic na hindi ko naranasan.

Di ko alam pero simula nang araw na yun wala nang Razor ang kumukulit sa kong ano ang pagkatao ko, wala nang prinsipe ang tila gustong kumausap sakin.

I mean they still talking to me pero yun nga lang kung may tanong lang. All of their attention is into that Princess Zylen. Maliban na lamang kay Switz na kumakausap sakin paminsan minsan

Naging tahimik rin siya simula nung araw na yun i don't know why, or what's the problem when they heard that name Pyra Divinia

"Stop moving!! Nakaka inis ka!" Asik ni Princess Riela while Glaring at me

In front of her is the sketch book and she's sitting in the grass while making us as her portray.

I am sitting while leaning my back to Zuri's body in lion form while watching the clear sky above

"Ito na, i am just breathing okay! Ofcourse i move when i breathe unless i am a statue." Sambit ko na kinairap lang niya

Simula din ng araw na yun si Princess Riela lang ang lagi kong nakakasama, nakakatawa lang isipin na siya at si Switz lang ata ang nakapansin sa existence ko in this Academy

I admit she's so snobbish pero nasanay na rin ako sa kanya, napaka demanding pa na Prinsessa minsan maarte din kaya napatawa na lamang ako

Tumayo siya at lumapit sakin sabay ayos ng buhok ko tas tumingin sakin ng masama

"No emotions! Okay! Ayaw kong makita sa portray ko na malungkot! Walang bibili nun!" Saad niya sabay hawak sa mukha ko at pilit akong pinapangiti kaya napairap na lamang ako

"Wag mokong irapan. Stay still" aniya sabay tayo at balik sa kina upuan niya kanina and then continue what she's doing

Sa tuwing may oras kami ganito lagi ang ginagawa namin lagi siyang nag dradrawing and according to her i am a perfect Piece, wala din naman akong magawa kaya hinayaan ko na lang din siya

"Di kaba napapagod?" Tanong ko sa kanya ngumiti lang siya sakin tas umiling

Ang akala nilang prinsessa na palaging wala sa mood ay may tinatagong napakatamis na ngiti.

"Hindi ka mapapagod kapag mahal mo ang ginagawa mo at nangarap ka para sa ikakabuti mo" nakingiting aniya at nag patuloy

Mabilis ang galaw niya she had that secondary ability of speed kaya mabilis niyang matapos ang pag drawing niya

"Gustong gusto kong mag drawing, pero Tita Zailah hate it kaya palihim lang ako sa mga ganito" aniya

The Secret Keeper Of Mastery AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon