Lavenly POV
Nagising ako sa isang kama, marahan akong napahawak sa ulo ko ng medyo masakit ito, pati na din ang katawan ko pakiramdam ko wala akong dugo
Bwesit na Renzo!
Napabuntong hininga ako dahil di ko makontrol ang sarili kanina
Napakuyom ang kamao ko kasabay nun ang pag bangon ni Jetro na nakahiga sa kabilang kama
"Gising kana, nagugutom ka?" Tanong niya pero umiling lang ako
Lumapit siya sakin sabay hawak sa noo ko at sa dalawa kong mukha sabay buntong hininga
"Lumalakas ka alam mo ba yun" aniya kaya napatingin ako sa kanya
Binukhad niya ang palad niya kasabay nun ang paglabas ng snowflakes
Nilagay niya sa palad ko kasabay nun ang dahan dahang pag kawala
"Na kontroll mo na din" saad pa niya kaya napangiti ako ng wala sa oras
Yung mata ko nalang talaga ang di ko po na kontrol, tumingin siya sakin at isang malawak na ngiti ang pinakita sakin
"Nalaman ng dad mo kung ano yang main Ability mo, ang swerte mo alam mo yun?" Tanong nito kaya agad akong napa ayos ng upo habang siya na umupo din sa gilid ko
"Imperative Memorabilia. The ability of seeing the memory of a living being and Having the power to restrain, control and direct" aniya na kinatigil ko
"A collaboration of Divination and mind controlling" aniya na kinatigil ko lalo
Ilang sandali pa nag buntong hininga siya tas ngumiti ng mapakala kaya napakunot ang noo ko na tumingin sa kanya
"Nagbibigay lalo ng dahilan kong bakit lagi kang malagay sa panganib" saad niya tas tumayo at inayos ang kumot habang ito ako nakasandal sa head board ng kama
"Malapit na ang kaarawan mo kamahalan. Sisiguraduhin kong ang araw na yun ang pinakamasayang mangyayari sa buhay mo" saad niya tyaka umalis sa harap ko
Jetro!
Imperative Memorabilia? Yun ba ang kailangan para sa Reincarnation?
Ako ang kailangan? Really??
Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito, sabay hawak sa dibdib ko nakalimutan ko na malapit na ang kaarawan ko
Di pa din gising ang Ina ko, sana magising siya sa araw na yun.
Bumaba ako sa kama at kahit medyo masakit ang ulo ko isinawalang bahala ko
Habang naglalakad ako pabalik sa dorm ko mas lalong sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa pader
"Lavenly! Di ka pa okay dapat nasa clinic kapa" asik ng kung sino sabay hawak sakin amoy palang niya kilala ko
BINABASA MO ANG
The Secret Keeper Of Mastery Academy
FantasiWe all have Dark Secrets, We all have Bad sides, We all did mistakes. In the Dimension where magic and powers Exist, Everything is posible. Could you still keep your Secrets? Could you still control your temper and keep your Bad sides? One of The...