31:Dark side

981 29 0
                                    

Zarren POV

Lahat kami nakatulalang nakatingin kay Lavenly dahil sa ginagawa niya halos di na namin siya makilala

Napakuyom ang kamao ko ng makita ang kapatid ko na nanghihina na pero patuloy pa din siya sa pagbogbog nito

Hindi ko maintindihan kung pano niya nagawang ipawalang bisa ang kapangyarihan ko kanina and now nagawa niyang saktan si Zylen at nagawa pa niyang masira ang panangalang nito

Wala pang nakakasira sa shield ni Zylen na nagaaral sa paralang to gamit ang isang suntok lang

"Tama na!!" Sigaw ng kapatid ko habang naghahabol hininga pero sa itsura ni Lavenly  parang wala itong balak na tumigil

Papatayin niya ba ang kapatid ko?

Kahit anong emosyon wala kaming makita sa itsura ni Lavenly.blankong mukha na para bang  walang paki alam sa paligid

Tumatalsik ang dugo ng kapatid ko sa damit  niya pero wala pa din ito sa kanya

"Ma swerte dahil kaya niyang pagalingin ang sarili" sambit ni Razor sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya

"Dude! Baka may magagawa ka." Sambit ko na kinatingin niya sakin

"Kung meron ede sana kanina ko pa ginawa. Legal ang duel nila. bobo din yang kapatid mo eh. Nilabas na ni Venly ang ability niya pumirma pa sa contrata" saad ni Razor kaya napaiwas ako ng tingin

Putang ina!!

Tinadyakan ni Venly si Zylen, hindi marunong makipaglaban si Zylen dahil kampante siya sa shield niya at yun ang malaking pagkakamali niya

Napatitig ako sa kamay ni Lady Venly na walang gloves, akala ko ba summoner ka??

"Destruction, kaya niyang sirain ang ano mang gusto niyang sirain. Wag mong ipagkalat baka mabura tayong pareho sa dimension to" sambit ni Razor na kinalunok ko ng laway

Sabay kaming napatingin sa kabayo na paparating and it's Jetro

Huminto ito sa harap namin na nakataas ang kilay

"Shit! That kind of face" wala sa sariling sambit ni Jetro at agad na bumaba sa kabayo niya

"At sinong tanga ang nag palabas sa dark side niya? Ano bang nangyari?" Asik ni Jetro samin kaya sabay kaming napatingin sa kanya

Dark side?

Napahawak sa ulo si Jetro tas tumingin kay Razor,pati na kay Switz at Riela na sabay sabay nag iwas ng tingin

May tinatago ba ang mga to

"Kapag ako na tsugi,tsugiin ko kayo sa kabilang dimension!" Asik ni Jetro at agad na umalis sa harap namin

The Secret Keeper Of Mastery AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon