"Okay lang ako, sino ba naman ako para pakopyahin diba?" pagpaparinig sa akin ni Emma, kaibigan ko nasa harap ko siya kaya malamang nasa likod niya ako
"Huwag mong pakopyahin yan Re, nag-review yan maniwala ka sa'kin" sigaw ni Amelia na nasa likod namin, siya ang nahiwalay sa aming apat ng upuan dahil siya ang pinakamadaldal
"Dapat ka bang paniwalaan?" pang-aasar naman ni Bri sa kanya, nagtutuloy-tuloy pa ang asaran nila pero hindi na ako nakisali at nag-review nalang kahit na tapos kona ito kagabi
Hindi rin nagtagal ang usapan nila ng dumating na si Sir Erick. Sir Erick is pretty strict when it comes to giving grades so you really need to study hard and pass the activities he asks you to do. When it comes to teaching he is good and you can't say anything because he explains it well.
Nanahimik na ang mga kaklase ko at nagsibalikan na sila sa proper seats nila
"Class makinig may mahalaga akong sasabihin sa inyo" mahinahon na sabi ni Sir sa amin at itinuon nalang namin ang atensyon namin sa kanya
" Wala muna tayong quiz ngayun dahil nagpatawag ng meeting ang ating principal para sa gaganaping intramurals""yessss" masayang sabi ng mga kaklase ko dahil sa magandang sinabi ni sir, nalungkot naman ako dahil sayang ang nireview ko kagabi!
"Oh anong mukha yan?" tanong ni Emma na ngayun ay nakatingin na sa direksyon ko medyo nag ingay na rin ang mga kaklase ko at nag usap usap tungkol sa intramurals
"Sayang ni-review niya hahaha" natatawang sabi ni Bri at inirapan ko naman siya
"Class quite, huwag kayung masyadong magpakasaya dahil dadagdagan ko ang quiz niyu sa next meeting naten" mahabang paliwanag ni sir na siyang kinalungkot naman agad ng mga kaklase ko kasama na roon ang mga kaibigan ko syempre!!!
"Sir kelan daw po yung intrams?" masayang tanong ni Carol isa sa mga bida bida kong kaklase
"Next week siguro class, hindi kopa alam ang exact date since magkakaroon palang tayo ng meeting ngayun kaya fix your things at pupunta tayo ng covered court"
Inaayos ko muna ang gamit ko at dinala ko nalang ang egg wallet at cellphone ko. Inayos ko rin ang buhok ko dahil nagulo na ito kanina.
"Sana makita ko si crush" malanding sabi ni Amelia habang naglalagay ng liptint, ang alam ko ay may crush ito kay Jasper ka batch namin iba lang ang section
"Hindi ka pa rin ba crinushback?" pang-aasar sa kanya ni Emma at nakitawa ako sa kanya, inirapan naman ako agad ni Ame at hinablot ang cellphone ko para magsalamin
"Boba!! hinihintay kolang siyang mag first move no duh" inis na sabi ni Ame "Sayang ganda ko kung ako magfifirst move"
Pagkatapos naming mag ayos ay pumila na kami sa harap ng classroom namin, nasa bandang likod kami since matatangkad kaming apat. Habang naglalakad kami papunta ng court ay nag-ingay nanaman ang mga kaibigan ko dahil madadaanan namin ang room nila Jasper na crush ni Ame
Nakakapagtaka lang na hindi pa rin siya pinapansin ng crush niya, maganda si Ame mahaba ang buhok at may lahi rin siya kaya naki-ayon ang ganda niya sa lahi ng mga magulang niya maingay lang siya kaya na turn off siguro si Jasper sa kanya
Ng mapadaan kami sa room nila Jasper ay nagtilian 'tong mga gaga kong kasama kaya napalingon sa amin sila Jasper kasama ang mga kaibigan niya. Hindi nakakapagtaka na magustuhan ni Ame si Jasper dahil gwapo naman talaga ito at kung titingnan mo ay makikita mong may kakayahan sa buhay ang pamilya niya. Napalingon naman ako sa gawi nila Jasper ng maramdaman kung may mga matang nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali ng makita ko si Blake certified campus crush pero ang balita ko ay maraming pinaiyak na babae kasama na doon si Carol na hanggang ngayun ay hindi pa rin move on
YOU ARE READING
Chasing in the Dark(High School Series #1)
Teen FictionHIGH SCHOOL SERIES #1. Adreanna Heaven Ellison meets her life trials at a young age, when she was getting herself back to pieces from falling out of love, Blake came into her life to destroy her again.