"Going back to the corner where I first saw you gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move" pagkanta ni Ame habang sinasabayan Niya ng tugtug ng gitara
Pagkarating Namin kanina Dito sa bahay ay nagluto agad kami ng fries at dumeretso agad sa kwarto ko
Medyo maliit lang ang kwarto ko pero sakto lang sa apat na tao kaya Dito madalas ang tambayan naming magkakaibigan minsan ay sa bahay Nila Bri dahil iyon ang mas malaki
Nagkaroon ako ng gitara ng regaluhan ako ni mama noong 12th birthday ko bago siya umalis kaya ito nalang ang bagay na pinaka iniingatan ko para kapag bumalik siya ay narito parin ang bagay na bigay Niya
"Got some words on cardboard, got your picture in my hand saying, if you see this girl can you tell her where I am, some try to hand me money, they don't under-" napahinto Siya ng makitang nakatingin ako sa kanya "bakit?pangit ba boses ko?" Nag aalalang tanong Niya natawa Naman ako
Magaling kumanta si Ame at kung tutuusin ay pwede siyang sumama sa banda o kaya ay pwede siyang mag artista dahil bukod sa pagiging magaling niyang kumanta ay maganda rin Siya
"Mahal mo parin" deretsong tanong ko sa kanya, kahit ako ay nabigla dahil iyon nalang ang lumabas sa bibig ko, nakokonsensya tuloy ako, nag iwas naman Siya ng tingin
"Hindi Naman nawala yung pagmamahal na binigay ko sa kanya Re" seryusong sabi niya sabay tingin sa akin "sadyang hindi lang talaga siguro Namin panahon ngayun Kasi bata pa kami, bata pa tayo"
"Paano mo ba nasabing Mahal mona?" Tanong ko sa kanya, curious lang
Wala akong ideya sa sinasabi nilang pagmamahal na yan, siguro nung bata ako ay meron, at iyon ay ang magiging masaya ka at walang problema dahil kasama mo ang taong mahal mo. Pero nawala ang paniniwala ko sa pagmamahal simula noong malaman ko na nakahanap ng bagong babae si papa habang wala noon si mama
Hindi ko magawang magalit ng sobra kay papa dahil may kasalanan din Naman si mama. Pero galit pa rin ako Kay papa dahil hindi Niya ako kayang ipagtanggol sa bagong babae niya kahit alam Niya na ako ang tama. Galit ako sa kanya dahil nakaya niyang ipagpalit si mama na walang ginawa kundi magtrabaho sa ibang bansa para sa amin.
Iyon ang rason ko Kung bakit hindi ako naniniwala sa pagmamahal dahil habang tumatanda ako ay ipinapamukha sa akin na ang pag ibig ay hindi totoo, hindi tumatagal, at higit sa lahat ay kumukupas. Iyon siguro ang naramdaman noon ni papa kaya naghanap Siya ng iba
"Paano ko nga ba nasabing Mahal kona?" Tanong Niya rin sa sarili Niya habang nangangapa ng sagot sa kawalan "Kapag hindi ka Kasi pamilyar sa pagmamahal, mahihirapan ka talagang hanapin yung sagot."
"Eh ikaw, paano mo nasabing Mahal mona Siya?"
"Nung una kasi, hindi ko maamin sa sarili ko na Mahal kona Kasi naghahanap pa ako ng kasagutan, pero habang tumatagal doon ko lang nalaman" seryusong sabi Niya habang nagistrum ng gitara
"Paano?"
"Nalaman ko nalang isang araw na ayaw kona mahiwalay sa taong yun, lahat gagawin ko para manatili siya, Kasi sayang yung pinagsamahan namin ng matagal. Pero Hindi Naman Kasi lahat ng pagmamahal masaya lang diba, katulad ng mama at papa mo?" Tanong Niya sa akin napaiwas Naman agad ako ng tingin at kumuha nalang ng fries at kinain "Ang pagmamahal kailangan ng sakripisyo Re, may dahilan kung bakit hindi kayu nagkatuluyan at ang dahilan na yun ay gawin mong positibo para malampasan mo, hindi Naman pupwede na manahimik ka nalang sa IsAng sulok at walang gawing diba?"
"Parang ayaw kong sumubok sa pagmamahal" mahinang sabi ko at natawa Naman siya
"Hindi mo rin yan masasabi Re" seryusong sabi Niya sa akin tinitingnan ang reaksyon ko "May iba't-ibang uri ng pagmamahal Re, merong pagmamahal sa kaibigan, sa pamilya, sa mga taong nakapaligid sayu. At kung darating man ang panahon na magmamahal ka sa isang tao, ienjoy mo lang at huwag mong pigilan, dahil sa pagmamahal mararanasan mo rin Naman ang maging masaya kahit alam mong masasaktan ka rin sa dulo, pwedeng Siya na talaga o pwedeng aral lang siya para matuto ka"
Mabilis ding natapos ang usapan Namin, ginawa na rin namin Ang mga assignments at pagkatapos noon ay nag usap pa kami tungkol sa ibang bagay. Dito na Siya kumain ng dinner dahil ginabi na Siya.
Hinatid ko si Ame sa gate ng subdivision Namin at hinintay ko na makasakay siya ng jeep, pagkatapos noon ay bumalik na ako sa bahay at umakyat na sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo at magtoothbrush ay bumaba muna ako para silipin kung naka uwi naba sila papa pero wala pa , nilock ko nalang ang gate at umakyat na sa kwarto para matulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Hotdog lang ang nakita kong madaling lutuin sa ref kaya iyon nalang ang niluto ko, pagkatapos ay nag fried rice ako para maipartner sa ulam Namin.
Nauna na akong kumain kahit na tulog pa ang mga kasama ko sa bahay, hinugasan ko rin ang pinagkainan ko para walang masabi sa 'kin ang babae ni papa.
Hindi ko siya tinatawag na tita o mama dahil hindi ko alam kung kailangan paba, hindi ko rin naman alam na kailangan pa pala, dahil mismong ang babae ni papa ay ayaw na tawagin ko siyang mama o tita dahil hindi ko naman daw siya kamag
Anak o kadugoPagkatapos kong hugasan ang pinggan na ginamit ko ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong naligo ay inayos kona Ang mga gamit ko, nagdala na rin ako ng payong dahil mukhang uulan. Habang nag aayus ako ng mga gamit ko ay nag ring ang cellphone ko, tiningnan ko Kung sino ang tumatawag at number lang ito,hindi ko tuloy alam Kung sino
["Hoii huwag kang kakabahan, ako lang 'to"] natatawang sabi ni Bri sa kabilang linya
"Ang aga aga, nambubulabog ka" mahinang sigaw ko sa kanya dahil baka magising ang mga kasama ko sa bahay
["May gawa kabang assignment sa science?"] Tanong Niya sa akin, umaasa siyang may ibibigay akong sagot
"Bahala ka diyan leche ka!" Natatawang sigaw ko sa kanya bago patayin ang tawag
Pinicturan ko nalang ang sagot ko at sinend sa kanya, sinabihan ko rin siya na huwag niyang gayahin lahat dahil baka mahalata ni ma'am at pareho kaming mapagalitan.
Maaga akong nakarating ng school pero si Bri palang ang nadatnan ko, wala pa si Ame at Emma
Pagkatapos kong mailagay ang bag sa upuan ko ay pumunta ako Kay Bri para guluhin siya sa ginagawa niya
"Huwag ka munang mang inis ngayun" seryusong sabi niya, wala pa nga akong ginagawa!
"Gago wala pa nga" natatawang sabi ko sa kanya, kinuha ko ang upuan sa tabi ko para ilapit ko sa kanya at umupo doon
Habang busy si Bri ay kumuha ako ng picture Niya para mailagay sa day ko, napansin Naman agad niyan sabay tingin sa akin ng masama
Nilagay ko agad ang picture niya sa ig story ko at nilagyan ng 'rush pa nga' with haha emoji, syempre kailangan itag ko siya diba sayang naman effort ko!
Pagkatapos kong mailagay yun sa ig story ko ay nagchat ako sa gc namin nagtatanong kung nasan na sila. Nagchat naman agad si Ame na on the way na daw Siya at si Emma na nasa gate na daw.
Mabilis namang natapos ni Bri ang ginagawa niya. Sinabunutan pa Niya ako pagkatapos dahil sa ig story ko tinawanan ko nalang siya, dumating na rin ang dalawa mas nauna lang si Emma sumunod Naman na dumating ay si Ame
Hindi na kami masyadong nag usap dahil dumating na rin ang english teacher namin at nagdiscuss lang siya about sa idioms, nagtetake down notes ako ng medyo umingay ang room, napatingin Naman ako sa labas kung sino ang pinapag usapan Nila at nakita ko si Blake sa may pinto Namin kasama ang mga kaibigan Niya
Inalis ko rin ang tingin ko sa kanila ng sipain ni Bri ang upuan ko napatingin Naman ako sa kanya
"Hinahanap ka ng jowa mo oh" pang aasar niya sa akin sabay turo kay Blake, hinampas ko Naman agad ang kamay Niya na nakaturo para hindi kami mapansin ni ma'am na nagdadaldalan
"May kailangan ba kayu boys?" Tanong ni Ma'am Gripo sa kanila
Medyo nagkagulo pa sila dahil hindi Nila alam kung sino ang magsasalita sa kanila
"Ma'am excuse daw po kay Heaven" seryusong sabi ni Blake habang inaasar Siya ng mga kasama Niya "Pinapatawag po siya saglit ni sir Erick"
YOU ARE READING
Chasing in the Dark(High School Series #1)
Novela JuvenilHIGH SCHOOL SERIES #1. Adreanna Heaven Ellison meets her life trials at a young age, when she was getting herself back to pieces from falling out of love, Blake came into her life to destroy her again.