"San tayo niyan?" Tanong ko kay Blake ng makalabas ako ng room, hindi ko rin Naman alam kung saan ang plano Niya magpractice
"Library, pero dadaan mona ako sa canteen, okay lang?" Tanong Niya sa 'kin, hindi na ako sumagot at sumunod nalang sa kanya
Ng makarating kami ng canteen ay bumili din ako ng Butter coconut at isang moby drink para may makain ako mamaya incase na magutom ako
"May mga highlighter kaba?" Tanong Niya sa 'kin habang naglalakad kami papunta ng library
Hindi Naman ganoon kalayo ang Library sa building Namin, kaya hindi hassle ang paglalakad
"Meron, kaya lang hindi kompleto ang shades"sabi ko sa kanya, hindi Naman na Siya umimik pagkatapos non
Ng makarating kami sa building kung nasan ang library Namin ay pina una na Niya akong maglakad ng nasa hagdan kami
Katabi ng library ang avr room, bilang lang ang mga estudyante sa library dahil may klase pa ang iba, maingay Naman sa katabi naming room dahil may nagkaklase ata sa avr
Naghanap ako ng pwesto sa medyo dulo para hindi rinig ang ingay sa kabilang room, nakasunod lang sa akin si Blake, ng makahanap na ako ng pwesto na komportable ako ay inilagay kona ang bag ko, ganoon rin ang ginawa Niya.
Nilabas ko ang mga art materials ko, hindi na kompleto ang mga shades ng kulay dahil lagi kong ginagamit kapag naglelectures ako, naubos!
"Okay lang ba na samahan mo ako mag nbs sa Saturday or Friday?" Nilingon ko Naman si Blake ng magtanong siya, bakit kailangang kasama pa ako? "Or kung anong araw ka free"
"Araw araw Naman akong free" pekeng ngiting sabi ko sa kanya, hindi Naman ako papagalitan ng mga tao sa bahay dahil wala Naman silang pakialam sa akin, mas gusto pa nga Nila na wala ako sa bahay.
"Saturday nalang okay ba?" Tumango Naman agad ako sa kanya "Bibili lang Tayo ng mga gamit na gagamitin naten sa contest, ang pagpapraktisan nalang naten ay ang akin, itago mo nalang yang iyo"
"Okay lang, gamitin nalang din naten yung akin" ang unfair Kasi sa kanya kung yung gamit lang Niya ang gagamitin diba, baka isipin pa neto eguls Siya.
"Sige" pagkatapos niyang sabihin yun ay kinuha na niya ang mga art materials Niya, pinapanuod kolang siyang ilabas ang mga gamit niya, napansin ko Naman na kanina pa tunog ng tunog ang cellphone Niya, iPhone wow Sana ol!
"Hindi ka nagreply kagabi?" Biglang tanong Niya, tinutukoy ang message request Niya kagabi sa instagram kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanya, baka mamis interpret niya ipagkalat Niya pa na may gusto ako sa kanya
"Sorry, akala ko kasi na wrong send ka lang" natawa Naman siya sa sinabi ko
"Hindi yun wrong send" natatawang sabi Niya sa akin nakitawa nalang ako sa kanya para gumaan ang atmosphere "Ang sabi Kasi ni sir kahapon kausapin daw kita tungkol sa practice naten"
YOU ARE READING
Chasing in the Dark(High School Series #1)
Genç KurguHIGH SCHOOL SERIES #1. Adreanna Heaven Ellison meets her life trials at a young age, when she was getting herself back to pieces from falling out of love, Blake came into her life to destroy her again.