Mabilis kong inumpisahan ang paghuhugas ng mga plato para maka akyat na ako ng kwarto dahil hindi parin Siya tumitigil sa pagpaparinig sa akin. Hindi ko nalang Siya pinapansin dahil titigil din naman 'yan, mapapagod din magsalita
Ng matapos akong maghugas ng plato ay umakyat agad ako ng kwarto, naligo muna ako pagkatapos ay nag scroll muna saglit sa mga socmed ko
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maingay sa baba, nagsisigawan ata sila.
Nasa hagdan palang ako ay naririnig kona Ang pangalan ko na pinapag awayan Nila. Masama ang tingin sa akin ng babae ni papa.
"Ikaw ang unang nagising at bumaba kahapon diba?" Galit na tanong Niya sa akin, malamang ay ang pagkawala ng wallet Niya ang ikinakagalit Niya ngayun
Hindi ko siya pinansin o sinagot man lang, dumeretso na ako sa kusina para kunin ang baso ko, ng nasa dispenser na ako naglalagay ng tubig ay lumapit sa akin si Rain
"Nakikita mo ng nagkakagulo dito hindi kapa nagsasalita diyan?" hindi ko pa rin siya pinansin "Bakit kasi hindi mo nalang aminin na ikaw ang kumuha ng wallet ni mama at pinanggastos mo sa kalandian mo?"
Doon ako napatingin ng masama sa kanya, tama nga ako na wala siyang ibang ituturo na may kasalanan kundi ako lang.
"Oh, ano! Diba may sinama kang kaibigan mo dito nung isang araw?" Pagtutukoy Niya kay Ame "Bakit hindi mo nalang sabihin na ikaw ang kumuha?"
Kahit kailan ay may karapatan akong magpapunta ng mga kaibigan Dito sa bahay, pera ni mama ang ginamit sa pinang patayo nito kaya malaya ako na mag imbenta ng kahit na sino
Marami pa silang masasakit na salita na sinabi sa akin pero Hindi ko na iyon inintindi, mas sasakit lang ang ulo ko kung papansinin ko pa ang mga sinasabi nila mas mabuti nalang na pagtuuan ko ng pansin ang mga bahay na may pakinabang sa akin
Hindi ko na nagawang kumain ng umagahan at umakyat nalang ako ng kwarto ko para maligo, nagbihis ako ng uniform ko at naghanap ng medyas. Pagkatapos kong makapag ayos ay umaalis na ako para pumasok sa school.
Medyo natagalan ako dahil walang jeep ang dumadaan, kung meron man ay punuuan na mahirap makipagsisiksikan
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakasakay na rin ako, kunti palang ang tao sa school kaya dumeretso muna ako ng canteen para bumili ng pagkain, habang kumakain ay lumapit sa akin si Sir Erick
"Good morning po Sir" bati ko sa kanya, tinigil ko muna ang pagnguya ko at uminom ng tubig
"Good morning Ellison, nakausap mo na ba si Blake tungkol sa contest na sinalihan niyu?"
"Sir hindi pa po, hindi ko Naman po Siya masyadong close at hindi ko na din po Siya nakita kahapon pagkatapos niyu po kaming makausap" hindi kona nakita si Blake kahapon, pero ang na aalala ko ay nag dm Siya sa akin sa ig
"Ang sabi ko sa kanya ay kausapin ka dahil sa Tuesday na ang contest niyu, Friday na ngayun kaya kailangan niyu na talagang mag usap at magpractice para makapag prepare na kayu"
Wednesday to Saturday ang intramural namin, Tuesday ang contest Namin ni Blake pero sa Saturday ang lahat ng awarding ng mga nanalo sa mga palaro o pa contest nila.
Pagkatapos Kasi ng slogan Namin ay ilalagay ang mga gawa Namin sa bulletin board na malaki para makapag vote ang mga students kung sino ang may pinakamaganda
Students ang magdedecide kung sino ang mananalo, bawat estudyante Kasi ay bibigyan ng voting tickets para mailagay Nila sa box ng pipiliin nilang mananalo o kung sino ang may pinaka magandang gawa
"Sir mag excuse nalang po kami sa mga subject teacher po Namin para po makapag practice na rin po kami"
"Okay sige ipapa alam ko na rin kayu sa mga teachers niyu para pumayag sila, ikaw na ang bahalang kumausap kay Blake"
Pagkatapos naming mag-usap ni Sir ay binilisan ko na rin ang pagtapos ko sa kinakain ko. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako ng room. Nadatnan kong nag-uusap sila ame at Bri at nagtatawanan pa
"Late kana Ellison" pang-aasar sa akin ni Bri, sinilip ko naman si Emma sa likod dahil mukhang busy siya sa cellphone niya tumatawa pa, kinikilig ampotah.
"Nakipag date yan sa canteen eh kanina" natawa Naman ako sinabi Niya Ame, wala ba siyang idea na si Sir 'yon "Kunwaring Hindi naniniwala sa pag-ibig pero nakikipag date diyan sa gilid gilid"
"Magulat ka nalang isang araw may ipapakilala na 'yan sa atin" pagpaparinig sa akin ni Bri, tiningnan ko Naman siya ng masama
"Si Sir ang kausap ko kanina sa canteen, issue kayu"
Nag- asaran pa kami ng ilang minuto dahil wala pa Naman si Ma'am Kate. Ng hindi na ako makasabay sa topic Nila ay nilabas ko nalang ang phone ko at para maglaro ng helix
"Hoy, bingi!" Malakas na sigaw sa akin ni Bri, na dead tuloy ako, nahampas ko tuloy Siya "Nasan ka ba? Kanina kapa namin tinatawag, andyan jowa mo sa labas hinihintay ka"
Napatingin naman ako agad sa labas para tingnan ko sino ang tinutukoy Nila
"Aba, lumingon nga" natatawang sabi ni Bri at nakipag apir pa kay Ame
"Wala na 'tong kaibigan naten, naglilihim na""May jowa ka na?" Tanong sa akin ni Ame, pinagpatuloy ko nalang ulit ang paglalaro ko, hindi na sila pinansin
Hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar sa akin ang dalawa kaya ng tinatawag ulit nila ako ay hindi na ako lumingon, bahala kayu jan!
"Hoy" tawag sa akin ni Bri habang sinisipa pa ang upuan ko, hindi ko parin siya tinitingnan "Nandyan jowa mo"
"Tanga andyan na jowa mo,hoii" bulong din sa akin ni Ame pero hindi ko sila pinapansin pinakyuhan ko nalang sila
"Seryuso nga, tanga Naman neto. Sinusundo kana." Hindi pa rin sila tumitigil kaya nag heads down nalang ako para tumigil sila, sabay Naman silang natawa
"Heaven" ng marinig ko Kung sino ang tumawag sa akin ay Napa angat ako bigla ng ulo
Tinawanan Naman ako nila Bri, ganoon na rin ang iba naming kaklase
"Uy haha bakit?" Pekeng tawa ko sa kanya "bakit ka nandito?" sunod sunod na tanong ko kay Blake
Pinatay ko muna ang phone ko at tinago sa bag ko, binulungan kopa si Bri kung bakit hindi niya sinabi agad na si Blake yun
"Tanga ka kasi" natatawang sabi niya sa akin "Ang tanga tanga mo juskoo"
"Sa library tayo, Heaven" ang pangit Naman pakinggan ng second name ko pagdating sa kanya, nakakainis! Dumagdag pa lalo ang inis ko Ng marinig ko ang tawa ng mga kaibigan ko.
Bakit ba kasi second name ko ang tinatawag Niya sa akin Ang pangit tuloy pakinggan!!!
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo, sinilip ko pa si Carol dahil ang sama ng tingin niya sa 'kin. Kung nakakamatay lang ang pagtingin ng masama ay siguro umiiyak na ang mga gago kong kaibigan sa kabaong ko.
YOU ARE READING
Chasing in the Dark(High School Series #1)
أدب المراهقينHIGH SCHOOL SERIES #1. Adreanna Heaven Ellison meets her life trials at a young age, when she was getting herself back to pieces from falling out of love, Blake came into her life to destroy her again.