Chapter 8

19 4 0
                                    

"How can you assure us that your meat is edible? Baka naman malason ang kumain niyan. And how can you also convince sellers and consumers to buy this instead?"

I bit my inner cheeks while listening to the panelist's question. Siya yung head teacher ng science department sa junior high school.

I roamed my eyes around the classroom and saw my friends raising pieces of paper. May mga sulat pa.

Go Venice, kaya mo yan!

Bring it on SSG president!

Pa-snack ka naman diyan!

I just rolled my eyes at them bago tiningnan ang aking mga kagrupo. Nagkatinginan kaming lahat at nag-senyasan kung sino ang sasagot. Napabuntong hininga na lang ang leader namin bago hinarap ang nagtanong

"Ahm Mr. Recol---"

"Times up! Next group please." The coordinator shouted.

Bagsak ang balikat naming bumalik sa aming mga upuan. Narinig ko pa ang palakpak ng mga kaibigan ko, pero mas nangibabaw ang tawa ni Maria.

"Nandoon na yun sa manuscript di ba? Bakit tinatanong pa nila? Di ba sila marunong magbasa?!" Pagrereklamo ni Karylle. Inirapan pa niya ang mga panelists bago binuklat ang manuscript namin.

"Tama na yan girl, tapos na, at least nakaahon tayo," saad ni Evelyn. Pinigilan pa niya si Karylle sa pagbabasa ng manuscript namin.

"Hindi eh! Magrereklamo ako!"

Eh di magreklamo ka. I was listening to the other group present their research when I felt my phone vibrated.

From: "always waiting" boy

Mzta defence?

To: "always waiting" boy

Bobo mga kagrupo ko

From: "always waiting" boy

Baka bobo grupo niyo

To: "always waiting" boy

Mamaya BOBOla bibig mo

I just closed my phone after that. Bahala siya sa buhay niya maloka kaka-text sa akin. After the defense of all the groups ay kaagad ding in-announced ang rankings namin. Pang 13 kami out of 10. Chos, out of 15 pala. Mas lalong pumangit yung leader namin kakukunot ng kaniyang noo dahil doon.

At dahil exempted kami ay hindi na ako pumasok sa klase ko. Dumiretso na ako ng bahay namin. Nagyaya pa ngang gumala sina Maria kaso walang kasama si mama.

Pinayagan na kasi siyang lumabas ng hospital.
Kahapon lang. Pero kailangan pa rin naming bumalik para sa kaniyang cycle nang chemotherapy.

"Bulaga!"

Inirapan ko si Raphael nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. Nakasandal ako sa poste ng ilaw habang naghihintay ng masasakyan nang magpakita na lang 'to bigla.

"It's Showtime!"

He just rolled his eyes at me bago kinuha ang stick na hawak-hawak ko pati ang baso ng kwek-kwek. Makapal ang kaniyang mukhang kinainan 'yun ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Ang galing naman yata niya!

"Huy Budoy! Pagkain ko po yan!" Binatukan ko siya dahilan upang mapatingin siya sa akin ng masama.

"Eh di sa'yo na! Ang damot, ikaw na ngang binibisita dito." Nakanguso niyang saad at ibinalik sa akin ang baso ng kwek-kwek.

"Aba salamat ah!" Sarkastiko kong tugon sa kaniya.

"You're welcome," nakangiti na tugon ng demonyo.

The Anatomy of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon