Chpater 12

21 5 0
                                    

"Tumulong ka nga!"

Tiningnan niya ako na nakasandal lang sa may railings. Natawa ako  nang nakitang nahihirapan na siyang ayusin 'yung mga gamit namin. Hilig kasing mag-ayang mag-picnic, wala namang alam.

"Aba, gago to ah! Dapat ngayong girlfriend mo na ako, reyna na ang turing mo sa akin, dapat hindi mo ako sinisigawan 'no!"

Ngumuso lang siya habang inaayos ang mga pagkain na binili niya kanina. Pagkatapos niya itong inilatag nang maayos sa tela ay umupo na siya dito at pinunas ang pawis gamit ang likod ng kamay.

"Reyna, reyna, tamad ka lang talaga, tsaka di naman kita jowa, pinagsasabi mong girlfriend diyan," bulong niya pero dinig na dinig ko.

Kaagad akong napa-ayos ng tayo at pinamewangan siya.

"Huy! Narinig ko 'yun ah. Hindi pala girlfriend, e di Hindi." Inirapan ko siya bago naglakad papaalis.

Kaagad niya namang nahawakan ang kamay ko at hinila upang maupo sa tabi niya. I was about to stand up again but he wrapped his arms around my waist at ipinatong ang mukha sa balikat ko.

"Charot lang, 'eto naman masyadong pikon, buntis ka ba ha? Buntis ka?" He rapsily whispered before touching my tummy at inilapat ang tenga dito. "Hello? The old Taylor can't come to the phone rig--aray!" Napa-ayos siya nang upo nang sabunutan ko siya.

"Umayos ka nga, puro ka kalokohan." Kumuha na lang ako ng isaw sa basket at kinagatan ito. Ganu'n din naman ang ginawa niya.

"Ang ganda ng kalangitan 'no?" Sabi niya habang ngumunguya. Ipinatong niya ang kanang kamay sa balikat ko at umusog papalapit sa akin.

I was just staring at the majestic sky. Galing sa kinauupuan naming tela dito sa rooftop ay kitang kita ang kalangitan na puno ng mga bituin na lahat pawang kumikislap. There are even shining clouds of extraterrestrial elements on the east.

"Thank you."

I looked at him when I felt his intense gaze. I caught him already staring at me with a small smile plastered on his face. Natawa lang siya at ibinalik ulit ang tingin sa taas. Aba! Hindi ba naman pinatulan 'yung sinabi ko.

"Happy first day, mine," he whispered after a few moments. Napatingin ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Huwag kang supla, baka hanggang first day lang tayo."

"Sure ka na diyan?"

"Gusto mo try ko?" I raised my eyebrows at him. Kaagad naman niyang itinaas ang kaniyang mga kamay at umiling.

"Joke lang bebe ko! Ano ka ba, binibiro lang kita." He smiled cutely at me. Naku, kung hindi ka lang talaga gwapo, sunggaban kita diyan eh.

We spent hours and hours just sitting in that piece of cloth, just enjoying each other's company. Nag-aagawan ng isaw, nakatingin sa kalangitan at nagpaplano para sa kinabukasan. It's like we're just living for tonight. No worries. No nothing.

"I can already imagine ourselves still being like this ten years from now. Then twenty. Then fifty. Tatanda tayo at magkakaroon ng mga anak at apo but we are still going to celebrate every milestones of our lives here in the rooftop. The sky and stars may not look the same that time, but I'll still love you the same.  Pangako, mamahalin pa din kita kahit hindi mo na nakikita ang mga bituin. O kahit hindi ka na maka-akyat dito sa rooftop. I'll still love you the same. Kahit hindi man kita masabayan sa pag-akyat, I'll wait for you here patiently. At sasabihin ko sa'yong 'I still love you the same'."

I was teary eyed after he said those words. He is still looking at the sky habang naka-angat ang kanang kamay na kunwari ay may nakikita siyang plano sa taas.

The Anatomy of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon