Chapter 16

18 5 0
                                    

"Anong meron pres?"

Tanong ko kay Ella na naglilinis ngayon ng blackboard. I roamed my eyes around our classroom and it was desserted. Pati ang mga upuan ay wala na, dalawa na lang ang natira. Si miss pres na nga lang ang natira na estudyante.

"Symposium kasi ngayon tungkol sa Career development chuchu, hindi mo ba nakita sa May gym?" She looked at me after putting the eraser on the drawer.

Pinanliitan niya ako ng tingin nang hindi ako sumagot. "Nag over the bakod ka 'no?"

I laughed before shrugging my shoulders. "Maliit na bagay." She just shakes her head at me. Wala siyang magagawa, ayaw naman niya atang isumbong ko na siya 'yung vandal sa C.R. sa third floor. Good girl miss pres!

Sabay na kaming bumaba dala-dala ang kaniya-kaniya naming upuan. Ang bigat pucha!

Our section was situated at the back. Kami kasi ang May pinakamataas na upuan.

I looked around the gym after I put my chair. Puno na ito ng mga grade-12 students. Mayroon namang hati sa gitna bilang daanan.

"Sinong nag-prepare?" Tanong ko kay Ella na busy sa pangangalabit ng aming mga kaklase. Tapos patay malisya naman siya pag lumilingon 'yung kinalabit niya. Yung katabi tuloy ang napapalo. Tapos gyera na, habang siya naman ay tawang tawa.

"Mga SSG."

"Di ba SSG ka rin?" Napatingin ako sa kaniya.

She looked around before looking sharply at me.

"Huwag kang maingay, katamad kayang tumulong." I just shake my head at her. She's hopeless.

Napatingin na lang ulit ako sa harapan. Busy sa pagbabatohan ng mga papel ang mga estudyante. Sa gawi naman nila Jade ay pasekreto nilang itinatali ang mga bag ng kanilang mga classmates sa upuan nito. So sure na ba silang magco-college sila?

The projector was already set in front. Pati yung white screen. Maayos naman na naka skirting ang pulang tela sa stage na pinatungan ng mga letters na pangalan ng symposium na ito.

After a few minutes ay nagsimula na din ang program. Ang daming pinagsasabi 'yung guidance counselor pero wala akong maintindihan. Ang bantot kasi!

"Ano ba 'yan, ang baho!"

"Tumingin ka sa gidli." Bulong ni Ella.

Napatingin ako sa gilid at napa-sampal na lang ng noo. Kaya pala. Nakatambay kasi sa May malaking electric fan 'yung nga boys habang naglalaro ng ML. Mga walang hiya!

I was trying to listen to at least learn something namg mapatingin ako sa phone ko. Binuksan ko iyon at wala pa ring message galing kay Raph. Busy ba siya sa training ulit? Ang bago bago pa lang namin, nanlalamig na siya. Charr.

Mayroon kasi kaming usapan na magkikita ngayon. Babawi daw kasi siya sa hindi pag punta 'nung fiesta.

I looked in front first before typing a message.

To: boy training na lang palagi.

Pashnea, tuloy pa ba boy?

Bebe ko?

Pupunta ka ba?

Buhay ka pa ba?

May iba ka na ba?

Mas maganda ba siya sa akin?

Mas mahaba ang buhok?

Mas masarap? Char,  May mas sasarap pa ba sa akin?

I rolled my eyes before looking in front. I'm just going to listen na lang.

It was almost noon when the program ended. Kaniya-kaniya ulit kaming nagsibitbitan ng aming mga upuan. Ano ba 'yan, nasa fourth floor pa kaya ang room namin! Wala ba silang awa? Mabuti sana kung may jowa ako dito na taga bitbit ng upuan. Wait, mag-jowa kaya talaga ako?

The Anatomy of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon