Chapter 32

20 6 0
                                    

"Bakit mo ako pinapunta rito?"

Napasinghap ako nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. I am currently here at the CNHS' main library, 'yong malapit sa covered court. Speaker kasi ako sa katatapos lang na culminating activity ng buwan ng wika nila rito.

It's nice to be back in this place. Yan ang sabi ko sa sarili ko pagkatapos makatapak ulit sa pangalawang bahay ko ng anim na taon. Kahit kasi na ilang kalye lang ang layo ng bahay namin ay hindi ako makabisi-bisita dahil na rin na pagka-abala.

The paint of the whole school was still the same. The classrooms were still painted yellow with green highlights. But despite the things that has stayed the same, mas marami pa rin ang nagbago.

Katulad na lang nung paborito naming tambayan noon na garden sa may Animal Production, isang malaking building na ngayon. Yung mga luma ring mga classroom sa may Rawis ay na-renovate na at makabago na ang desinyo.

Nailipat na rin ang admin at faculty building malapit sa may covered court. Pati ang mga guro ay bilang na lang ang aking makikilala. Halos lahat ng mga naging instructor ko ay nag-retire na.

"Venice."

I snapped back to the reality when I felt a calloused hand touched my right elbow. Napatalon ako sa gulat dahilan upang mahulog ang mga hawak kong librong ilalagay ko sana sa shelves.

"N-Nicholas! Uy, n-nandito ka pala."

Alanganin akong ngumiti sa kaniya bago siya tinalikuran at naglakad papalayo. Ramdam ko ang biglaang pangangatal ng aking mga labi at ang panginginig ng aking tiyan dahil sa labis na kaba.

Sutangina girl, isang dekada na ang nakalilipas, inlababo ka pa rin?!

"Don't play with me, anong kailangan mo?"

Kinalma ko ang sarili ko bago ngumiti ng pilit nang iniharap niya ako sa kaniya. Napalunok ako nang makita ang  pamilyar niyang mapupungay na mga matang nakatitig sa akin. He's just wearing a plain t-shirt that hugs his perfectly-sculpted body at isang pares naman ng slacks. He's just simple but his sex appeal is oozing.

Napaiwas ako ng tingin habang ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Napalibot ako ng tingin sa buong library at napahinga ng maluwag nang malamang walang katao-tao maliban sa amin.

Alams na diz sis.

Chos.

Imbes na tingnan siya muli ay pumunta ako sa mesa kung saan nakalagay ang mga inaayos kong libro. They are a combination of Araling Panlipunan books for Grade-7 and 8. Umalis lang muna saglit si ma'am Luisita kaya naiwan akong mag-isa na nag-aayos ng mga ito.

I was about to get a couple of books that I will put to it's designated shelves nang hawakan niya ang aking braso at iniharap sa kaniya.

"What is it?"

Napatingin na lang ako sa kaniyang malalalim na mata bago napabubtinghininga.

"What are we doing here?"

Nagtatakang tanong niya sa akin habang inililibot ang paningin. I just observed him while cleaning the wooden table under the shade of the mango tree. Puro na kasi ito tuyong dahon na nahulog mula sa mangga.

Yinugyog ko muna ito at nang malamang pwede pang upuan ay umupo ako sa ibabaw nito.

Nandito kask kami ngayon sa farm nila. Sa aking pagkakatantiya ay isang dekada na rin ang nakalilipas simula noong huli akong makapunta rito.

At sa sampung taon na iyon ay marami nang nagbago. The old farm house was now deserted. Butas butas na ang bubong at ang mga dingding nito. Halatang hindi na naasikaso. Ang mga gamit din sa loob ay kung hindi nawala at nanakaw na, puno naman ng alikabok at sapot ng mga gagamba.

The Anatomy of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon