K Valencia's Pov
Sheeez! Nakalimutan kong Ball games pala ang PE naming ngayon nang pumunta na ako sa area nang Gym na kung saan nandun ang mga classmates ko. Uh, did I forgot to tell na kaklase ko pala ang dalawang GGSS? Say hello Tristan and Tyler! Sarap kapunin!
Prof instructed na ball games daw ang aming module dahil higher years naman na daw, might as well na pisikalan na ang labanan. Oh diba? Sadista ang ulol.
He assigned us sa magiging ka group namin for the whole prelim kung saan magiging battle of the sexes ito. Nakabuo siya ng apat na grupo sa section palang namin which is dalawang group ng babae at dalawa din sa lalaki. Kung sino ang mananalo sa bawat gender ay sila ang magtatapat sa finals. Oh diba? Napakabongga ng naisip niya at yun ang magiging Exam namin sa prelim. Clap clap clap talaga.
It was my turn to make the serve. Maayos naman ang pagkabato ko bola which is rare sakin kasi I never liked playing physical games. Tamad kasi ako. I am very much contended sa bleachers and one of the clappers and cheerers pag may games na kelangan present ka for the sake of attendance.
The exchanges went through when I spiked it para naman manalo kami nang biglang di ko masyado natansa at tumama mismo sa ulo ng lalaking dumating! I rushed to him when I saw him hold his head na parang masakit talaga ang pagkakatama ko. Oh NO!
"Hey, anong masakit sayo?" sabi ko sa lalaking nakatalikod sakin and I saw those GGSS laughing to the man I just hit.
"What do you think? Ikaw kaya batuhin ko ng bola sa ulo, hindi kaba kaya magalit at magsisisigaw sa sakit?" He said habang nakasalubong ang kilay.
"Im sorry okay. Hindi ko naman sinasadya yun! Loko ka ah. Oh sige para marelax kana, dalhin na kita sa clinic!" Sabi ko habang nagtitimpi sag alit. Of all the people pana man na pwedeng tamaan, siya pa?! Si GGSS Wesley Lopez pa! Takte!
Hinila ko siya papuntang clinic kahit na nagmamatigas siya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa braso niya. My God! Hindi niya talaga matatanggal to dahil nakalock talaga ang kamay ko sa braso niya. Pero infairness ha, may muscle ang braso niya! Sarap pisilin ng very light. Ay nako K! Alisin mo yang kagaguhang nasa isip mo!!!
"Wala namang major injury Wesley except sa almost bukol diyan sa ulo mo. Ice pack lang yan. Pero pag nahilo ka or nasusuka, please see a doctor ASAP." Said the Nurse on duty sa clinic. I was really guilty sa nangyari and there's no one to blame except me and my clumsiness.
I released a sigh when he was discharged from the clinic. Nasa labas ako at inaabangan siya still, im wearing my tight volleyball shorts and jersey. His eyebrows crossed when he saw me leaning on the wall nang nakayuko.
"Hey. Im okay.. No need to feel guilty kahit na gustong gusto kitang makitang nanlulumo." Wesley said while leaning on the wall too. Hawak niya sa ulo niya ang ice pack na binigay ng nurse.
I smirked at him nung sinabi niya at inirapan siya.
"Hey again. Why are you still wearing that? Should you change your clothes right?" utas niya uli. Naku naman! Pakilalamero.
"Wala.kang.paki.alam.kahit.ano.man.ang.suotin.ko." I said pausing at every word.
He laugh a little which is weird for me to see him like that and said " Change your clothes. We're having a date."
I almost vomit my senses when I heard that, and since when did he asked me out?!
"ANO? Pakiulit ka dahil medyo choppy ka." I sarcastically remarked.
"Magbihis ka na dahil may date pa tayo. Ayan, tagalog na para mas maintindihan mo." He said sheepishly.
Tangna tong lalaking to ah! Teka, DATE? As in Date with a GGSS? Takte!