Dos. Hidden Feelings

15 1 3
                                    


Wesley Lopez' Pov

Its been a while since I last stared her like this from a far at parang hindi siya aware sa paninitig na ginagawa ko. We are invited by the school Director to perform on the welcoming address held at the gym.

Papasok na kami sa gym and I was like being stuck at the moment when I saw her seeking refuge on the gym's bleacher side. She still looks the same from the first time I saw her. Walang kaarte arte sa katawan. Medyo magaslaw nga lang at moody. Bihira ngumiti sa mga hindi niya kakilala at laging poker face. She wores her typical get up only a little bit girly this time with a skater skirt, gray top and galaxy printed vans plus her long wavy hair. Nagawa kong maglakad papasok without minding the pool of people around us. Siniko ako ni Lawrence dahil baka madapa daw ako dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Eh sa gusto ko siyang titigan eh! Epal shet.

"Ano? Hindi ba kayo tatahimik?" Sigaw ko sa kanila dahil kanina pa sila nang aasar sakin.

"Bakit?! Masama bang tumawa out of something? Ikaw Wesley boy ha. Adik ka din ee. Tangna mo! Hahaha!"  Sigaw ni Tyler habang hawak hawak ang kanyang drum sticks.

Tumahimik nalang ako dahil alam kong wala akong panama sa mga pang aalaska ng mga kagrupo ko. Ilang saglit pa ay sumenyas na ang isang 3rd year na lumabas nadaw kami dahil patapos na ang welcome address ni Director.

I was having an audience gazing hoping that she will watch our performance and I was damn right! I saw her, well.. technically not watching but taking pictures of the people going crazy as we started to perform. I know she's listening but as I openee my eyes I saw her walked out of the Gym!

Medyo naiinis ako dun sa ginawa niya dahil I was looking at her direction the whole time I sang that part!

After that song I hurriedly ran at the back stage dahil halata na sa mukha ko ang pagka-badtrip. Nakakaloko naman kasi eh! Nagmamadali akong lumabas ng Gym gamit ang back door and slammed it hard. Eh kasi naman eh, nagpapapansin na nga ako sa kanya Choosy pa siya. Ang gwapo ko kaya! Mabango at Mayaman. Ano pa ba ang hahanapin niya? I can even sing and play instruments.

I went at the BS BIO Garden dahil gusto kong mapag-isa. Ayoko munang makisalamuha dahil first day pa naman at puro getting to know high school stuffs lang ang gagawin ng proof namin. I was about to take a nap when my phone vibrated.

"Hello." sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Saan ka? Punta ka sa studio." Sagot ng kausap niya sa kabilang linya na si Tristan.

Walangjo! Ganun din pala ang gagawin nila. Mag cucutting din. Tumayo ako at nagpasyang puntahan sila sa West Wing ng University kung saan located and courses related sa Arts.

Binuksan ko ang 3rd studio na inangkin namin dahil sa may pangalan ng banda namin sa labas.

"Wag kang mag emote may good news ako sayo!" pambungad ni Tyler sakin habang papaupo ako sa sofa.

"Spill." Sagot ko naman na walang ka gana gana.

"Magkaklase uli kayo ni Kaelle Valencia sa Dance!" Sagot naman ni Tristan with eyebrow effects pa.

"Ah. Okay. Eh ano naman ngayon?" Patapon kong tanong pero deep inside kinakabahan na naman ako.

"Kunwari ka pa eh alam ko namang patay na patay ka dun mula first year pa tayo! Kung ayaw mong mapasakamay ko siya, Kumilos kana!" Sabat naman ni Lawrence nang nakangiting maloko.

"Nangangamoy rivalry ah! hahaha! Hinay hinay lang at babae lang yan." Sagot ni Tristan habang nag sustrum ng gitara sa gilid.

"Kung hindi niya ako mahintay na nagtapat eh problema na niya yun! Hindi lang naman siya ang babae sa mundo." Pasuplado kong sagot sa kanila kaya pinagbabato nila ako ng throw pillow.

***

Nagpapanggap akong bored na bored na dito sa Dance Major kahit na ang totoo ay kating kati na akong lapitan siya at kausapin. She's an excellent dancer dahil sobrang swabe niya gumalaw. Nagnanakaw ako ng tingin sa kanya gamit ang full length mirrors na nakapalibot sa Dance Room na to which made it easier for me to look at her without anybody noticing it.

She changed her clothes para makagalaw siya ng maayos thus, the clothes she wears now flaunts her curves. Shit. Natutuyot ang lalamunan ko ah. We were asked to follow the dance choreography on the video given by our Professor and instructed us to form a group.

I was about to asked her to be a part of ours when suddenly she stood up and went to the freshies side. Nakakainis! Lawrence popped a pissing giggle when he saw my reaction. Napailing nalang din ako nang makita kong how she tried to teach the frrshmen. Hinila ko si Lawrence sa dalawa pang juniors na nakasalampak sa sahig at nakatunganga sa video.

***

Nag aya si Lawrence na dumaan sa bahay nila Tyler dahil wala ang parents nila dahil nasa business trip sa Singapore.

Pagdating naman dun ay agad bumungad samin si Sabrina, ang nakababatang kapatid ni Tyler ba mukhang magpaparty dahil sa suot na Dress at Heels. What's with girls and their heels?!

"Saan ka pupunta Missy?" Tanong ni Lawrence na ikinakunot ng noo ni Sab.

"Where do you think Im going Lawrence? And wala kang paki alam." Pabalang na sagot nito kaya napangiti nalang ako sa kaangasan ng kapatid ni Tyler. Mana mana nga.

"Woah. Tapang ah! Meron ka? Ingat ka.. Nagdala ka ba ng protection?" pa green na tanong pabalik ni Lawrence na ikinainis ni Sabrina.

"Bwisit. Alis ka na dyan at baka magdilim ang paningin ko baka di kita matantya at mabayagan kita!" Sabay tulak nito at dumiretso sa garahe para kunin ang Audi nito.

"Adik! pag yun napikon sayo baka isang araw magising ka gusto mo siyang ligawan ay bastedin ka. Gugulong talaga ako sa kakatawa." Sabi ko sa kanya habang papuntang living room kung saan nandun na ang dalasa at tumatagay ng vodka.

"Tagal niyo naman. Anong meron dun at natagalan kayo?" tanong ni Tristan samin habang kumukuha ng pulutan.

"Ano pa nga ba? Edi si Kaelle. Ewan ko ba dito kay Wesley bat ayaw pormahan eh. Pag yun nasilat. Wag kang maglalasing at wag na wag mo kaming idamay!" Sabat ni Tyler ng nakangisi.

"Adik. Penge shot." Sagot ko sa kanila.

"Nga pala Wes, may gig tayo sa Birthday ni Dianna Felizar. She called me and I said yes." Sabi ni Tyler.

"Uh. Okay. Kelan?" I asked.

"Sa katapusan. A week After Unity Night." Sabat ni Tristan sakin.

Sana invited siya. Sabat ng utak ko at nilagok ko ang shot sa harapan ko.

The One that got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon