Chapter 35 - The New Reality

290 17 60
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE - THE NEW REALITY

"Sa mansion ng mga Sandoval."

"ANO?! KULANGOT, NABABALIW KA NA BA?" Hindi na naman niya ako sinagot, ang epal niya talaga! "ANO'NG GAGAWIN KO DOON. KULANGOT, SABI MO, IHAHATID MO'KO SA BAHAY. GAGABI NA, MAG-AALALA SINA MAMA SA'KIN!"

"Pwede ba, huwag kang sumigaw. Nandoon si Mrs. Lazaro at yung ate mo." Tumaas naman ang kilay ko, okay lang ba talaga siya, ano sa tingin niya yung ginagawa nina mama at ate Ethel sa Sandoval Mansion. "Hinihintay ka nila roon. Hinihintay ka ng lahat doon."

"At ano sa tingin mo yung dahilan kung bakit hinihintay ako ng lahat doon? Pambihira, Kulangot, nagwewaste lang tayo ng oras e."

Hindi sumagot yung snobber. Aish! Ang sarap niyang batukan. Walang klaro ang lahat. Papupuntahin niya ako sa Sandoval mansion for what? Hinihintay raw ako ng lahat, bakit naman? Sh*t! Is this about my grades, pinatawag kaya sina mama para sabihan na maari akong makick out sa eskwelahan dahil nga hindi ko natupad yung pamantasan ng eskwelahan whn it comes to scholarship programs.

Huh? Eh kung ganoon 'yun, kung alam nga nila, bakit sa Sandoval mansion pa? Aish, ang gulo.

Habang pahaba ng pahaba ang biyahe, pawala naman ng pawala ang mga bahay at pataas at patanda yung mga puno sa gilid.

Bahagyang tumigil yung sasakyan ni Kulangot sa harap ng isang dambuhalang gate. Kulay itim ito na may silver na mga palamuti. Ang taas naman nito ay magkapareho sa isang building na may dalawa't kalahating floors.

May guard house sa tabi nito at pagkatigil ng sasakyan ni Kulangot, lumabas yung dalawang guards. Yung una ay lumabas lang para magbantay, yung pangalawa naman ay lumapit sa'min.

Ibinaba ni Kulangot yung tinted window ng sasakyan. "Excuse me, sir, you are entering the property of Sandoval Family, may I see your card."

Tiningnan ako ni Kulangot at bumunot ng isang card sa bulsa at ipinakita 'yun sa parang guardiya. Inabot din naman 'yun ng guwardiya, sinuri ng maigi, at ibinalik kay Kulangot.

Natuon yung pansin niya sa'kin. "Ma'am, do you have a card?" 

"Card, Kulangot, ano'ng pinagsasasabi nila?" Ay, ba't ko pa tinanong si Kulangot. Hindi niya rin naman ako pinapansin.

"She's back." Ang maliit na wika ni Kulangot sabay abot ng puting sobre sa taong nakaputi. Inabot 'yun ng taong nakaputi at binuksan, sa loob ay may parang sulat. Maya-maya, nabalutan ng gulat yung mukha ng guwardiya at napatingin sa direksyon ko, tapos napangiti at napatango. Ah okay, ang weird lang. Tumango narin lang ako pabalik.

"NILLOS! BUKSAN MO NA YUNG GATE!" Wika ng guwardiyang 'yun at bumukas yung gate. Ibinalik niya yung sobre kay Kulangot. "Sir," Tumango yung guard at pinaandar muli ni Kulangot yung sasakyan.

"Ito na ba 'yung Sandoval mansion?" Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Hindi ko ineexpect na sasagutin niya yung tanong ko pero unexpectedly, sinagot niya nga. "Hindi pa, lupa palang 'to ng mga Sandoval. Malayu-layo pa tayo."

"Alam mo ang weird noong guwardiya, ano ba kasi yung nasa loob ng puting sobre?" Wika ko at agad na binunot yung puting sobre na inilagay ni Kulangot kanina sa compartment.

Bago ko 'yun binuksan, inagaw sa'kin 'yun ni Kulangot. "Letter galing sa mga Sandoval para papasukin ka--I mean, tayo."

Kumunot yung noo ko, may ganoon pala. Tss, bakit ayaw kasi ipakita ni Kulangot yung puting sobre, letter lang naman pala e. 

Tumingin ako sa dinadaanan namin, hindi na nga concrete yung dinadaanan namin pero hindi rin naman nakakaundag kasi medyo umuulan ng mahina ngayon kaya medyo madulas yung dinadaanan namin. I checked the time on my phone, 5:20pm. 

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon