Chapter 08 - Mathew's Party

811 54 23
                                    

CHAPTER EIGHT - MATHEW'S PARTY

OMG! Malaki 'yung mansion ni Mathew, as expected. Ang mga mayayaman nga naman, pero hindi ko sinabin mahirap kami ha, mga medium lang.

Gabi na, 7:45pm ngayon at madaming nang mga bisita dito sa de-gate na Facade ng mansion pero isa-isa lang kung pumasok sa Facade gate. Bale, dalawa 'yung gate ng so-called Black Mansion. 'Yung first gate ay yung primary gate and it encloses the whole lot and the house. 'Yung secondary or facade gate encloses the mansion part lang.

Yung mga cars etchetera, doon pumapasok sa primary gate at nagpaparking sa lot habang sa secondary gate, doon naman pumapasok yung mga bisita. Nandito kami ngayon and I must say madaming tao rito.

Pagtungtong palang namin sa malaking Portico, agad na may bumati sa'min. "Welcome to the Black Mansion. Ma'am, please present your invitation please." Unli sa please? Kinuha ko yung Blue Invitation sa purse ko tapos ipinakita sa kanya habang si Jane naman pinakita niya yung Green Invitation niya. Tapos, pinapasok kami.

"Jane! My labs, halika dito." Parang sarcastic na isinigaw ng isang lalaki na naghihintay sa may stairs. Sino pa ba, kundi yung boyfriend ni Jane, si Spencer.

"Um, sorry Lola, hanggang dito nalang, see you at the party!" Sabi ni Jane, pakshet! Mag-isa na naman ako!

Nasaan na ba si Ark! Hmmp. Naalimpungatan lang ako noong nakarinig ako ng familiar voice. "Lola Hi!" Nagulat nalang ako noong may nagbeso-beso na sa'kin, si Isabel. She's wearing a pink cocktail dress with golden belt at nakaayos 'yung mukha niya, in half ponytail at curly, ang ganda.

"Oh, hi, Isabel? Sino yung partner mo for the ball?" Sabi ko.

"Gusto ko sana na ako yung first dance ni Mathew! O kaya last dance, pero anyway, kasama ko lang yung kabarkada kong lalake as my date tonight. Ikaw sino kadate mo?"

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Ark?"

"Urgh! My cousin! Well, good luck sa'yo... bye!" Tapos umalis na siya, now what?

Pumasok na ako sa loob ng mansion. Pagpasok ko palang, malaki na yung space tapos sa harap ng pinto may malaking stairs pero mga maids lang yung pumupunta sa taas. Ito na siguro yung tinaawag nilang Grand Staircase, which serves to be the pride of this mansion. Patungo siguro 'yun sa second floor, I guess, doon yung mga bed rooms or private rooms nila.

Pero, anyway, sinundan ko kung saan yung maraming tao dahil papunta silang lahat sa Grand Hall ng mansion. May large door pero open ito. Sobrang laki ulit ng space tapos maraming mga tables na circle yung shape. I guess one table has ten chairs in it. Madami akong hindi kilala dito, I think maO-OP ako for the rest of the night.

Habang iniisip ko kung mao-OP nga ba ako, nakita ko ang malaking buffet sa side, OMG! Anything is perfect when there is food.

Okay, so yung problema ko nalang ngayon ay kung saan ako uupo. Maraming vacant seats pero panget naman ata kung makiki-upo ako with a bunch of strangers.

"Lola!" Another familiar voice. Pagtingin ko sa likod, may dalawang babae na sumalubong sa akin.

"Wow! Ang gaganda ninyo, Freya at Dheenise!" As you would remember, sila yung mga friends ko rin. Mababait sila pero makukulit. Sila yung kasama ko noong nagshopping ako pambili ng gift ko kay Deen sa christmas.

Oh shet, speaking of gift! Nakalimutan kong bilhan ng gift si Mathew! Di bale nalang, mabait naman siya, i-a-accept niya naman siguro kung late yung gift ko.

"Wow, yellow! Charot! Para ka nang sunflower, Lola!" Sabi ni Dheenise.

"Ikaw din, kung maka color blue ka, para ka nang fairy." Sabi ko kay Dheenise.

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon