Chapter 03 - Theater Club |part 2|

378 33 30
                                    

-----CONTINUATION-----

Lorraine Lavilles POV

Dismissal time na at hangang ngayon malamig parin ang kamay ko. Alam niyo ba kung bakit? Dahil ito sa nerbyos ko kanina sa practice for the Choral Singing Presentation. Ano ba namang tinawag na Choral Singing pero 'yung mga dancesteps, pangCotillion lang 'yung peg. Excited much? Palibhasa mabilis manghawa ng pagkaflirt 'yan si Cathlyn. Haha, nadamay na naman si Cathlyn, bahala siya, maldita e'.

Hahaha hay, grabi yung nerbyos ko kanina. Crush na crush ko talaga si Dean, sana magkagusto rin siya sa'kin 'no. Aish, asa pa ako.

Ay sh*t, parang may nakalimutan ako na pupuntahan o gagawin. Ilalagay ko nalang muna 'yung bag ko sa lobby, habang nag-iisip kung ano na naman 'yung nakalimutan ko na ewan.

Ayun, pagkatapos kong maglagay ng mga gamit ko sa lobby, chineck ko 'yung time ko sa watch ko, naku 5:26 na pala, hindi ko parin maalala kung saan ako pupunta.

Nag-iisip ako kanina pa noong five, thirty minutes later, di ko parin alam. Nagtataka siguro kayo kung bakit 5 pa yung dismissal pero 5:30 na ngayon eh 'yung ginawa ko lang naman ay ilinagay 'yung bag ko sa lobby. Ganoon talaga pag slow magfix ng things at diba namention ko sa inyo na the-other-side-of-the-world pa 'yung classroom ko sa layo, kaya ayan, very long way papunta sa lobby.

TING!!! Parang hanging amoy utot na ewan ang dumampi sa akin at biglang naalala ko 'yung pupuntahan ko, ay sh*t! THEATER! Naku naman, bawal dapat maging late. Ayun kumaripas ako ng takbo papunta sa Auditorium. Doon kasi hineheld yung mga practices sa Theater Club.

Pagdating na pagdating ko sa auditorium, madaming estudyante 'yung papunta rin at paupo palang, "Hay salamat, hindi pa ako late, e-o-or may kasama akong mga late rin." I whispered to myself.

Hindi ko makita si Mathew kaya umupo nalang ako sa tabing sulok, at pagkaupo ko biglang kumidlat. "ROAR! BAKIT BA ANG HILIG HILIG NIYONG MAGPALATE?! ROAR!" Wag niyo na akong tanungin kung anong klaseng kidlat o leon ba 'to. Basta, ganoon 'yung narining ko sa bunganga ng pinuno ng club na 'to. "ROAR! WALA NA KAYONG PAG-ASA! MGA BWISET, KUNG MAGPAPALATE LANG KAYO, WAG NALANG TAYONG MAGSHOW KUNG HINDI NAMAN ITO ISA SA MGA PRIORITIES NIYO!!! ROAR!" Pagsigaw niya ulit. Nagwawild ata siya at hindi narin maidrawing yung mga mukha ng mga tagaTheater club members. Mukhang gulat na gulat sila. Yikes, ganito ba ang klaseng club na papasukan ko? Club nga ba ito o isang lion's pride? Nasa maling lugar ata ako e. 

Nagwild nga 'yung pinuno nila. Sobrang hysterical 'yung ginagawa niya to the extent na nagtaka ako kung totoo nga ba siyang nagagalit o nag-a-acting lang. Agad niyang inihagis 'yung mga upuan sa kung saan man gusto niyang ihagis. As if that wasn't enough, pinatayo niya rin kasi 'yung isang babaeng umuupo ng tahimik tapos inihagis yung upuan at nagwalk-out. Astig niya rin ano? 

Tiningnan ko ang lahat. They were so still to the point na akala ko naging taong bato na sila dahil hindi sila gumagalaw. Sinamantala ko naman yung panahong iyun para hanapin si Mathew. Saan na nga ba 'yung lalaking 'yun?

Hindi nagtagal, nag-ingay na ulit yung tagaTheater club members at biglang nagkaroon ng disarray. Iba't ibang kumento ang narinig ko.

"Grabe, sis, ganoon pala magalit si sir?"

"Oo nga, nakakatakot?"

"Ha?"

"Uy pre, quit tayo, ayoko dito!"

"Girl, this is so petrifying!"

Aba kung makachismis naman silang lahat, wagas! Ewan ko ba kung bakit ang dami-daming mga chismoso at mga chismosa sa mundo?

Naramdaman kong may kumulhit sa balikat ko. Si Mathew! "Uy, Mathew, narinig mo yung sigaw ng pinuno ng Theater Club? Grabe 'no? Nakakatakot?" I snapped back when I realised na kalalait ko lang pala sa mga chismosa, chumismis pa ako. Wow.

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon