Chapter 09 - Merry Christmas

724 50 37
                                    

CHAPTER NINE - MERRY CHRISTMAS

Gumising ako, hay nako, nakadress padin ako. Sa sobrang pagod ko siguro nakalimutan ko maligo at magbihis ng pantulog! Hmm, ang dami kasing nangyari kagabi. Hindi ko na maalala yung iba tuloy. Bumangon na ako tapos naligo at nagbihis at nagtoothbrush. Siguradong hindi rin ako nakatoothbrush kagabi e'. Nanghilamos nadin ako at inalis yung make-up ko. Hay! Enebeyen?!

After that bumaba na ako at nakita ko si mama nasa baba na siya at nag-aayos ng Christmas tree. Teka... Ayy, anak ng tinapa! Saang decada ba ako nangaling at ngayon ko lang narealise na Christmas na pala ngayong Tuesday! "MA!!! MERRY CHRISTMAS!" Sabi ko at pinuntahan ko na siya at binigyan ng regalo. Kung nagtataka kayo kung bakit kay mama may Regalo ako pero kung kay Mathew wala, ganito kasi 'yun, have I mentioned to you guys that I'm so crafty kaya 'yang si mama, ginagawan ko 'yan ng regalo 1 month before pa ng occasion. When I say crafty, hindi ako bumibili ng gifts, ginagawa ko 'yun. Mahilig kasi akong mag-imbento at magdisenyo ng mga bagay-bagay at ang ibinigay ko kay mama ngayon ang own invention ko na pamaypay o fan. 

Gusto niyo bang malaman kung paano ko ginawa 'yun? Kung hindi, wala kayong magagawa dahil makulit si Author at walang siyang paki-alam, kaya sasabihin ko parin sa inyo. My own invented fan is made up of a folder na ginupit ko into heart-shape tapos ibinalot ko sa isang color red na tela at tinahi ko ang word na :

"нᴀᴘᴘʏ cнʀɪsтмᴀs, мᴀмᴀ!"~ғʀoм ʏoυʀ ᴀwᴇsoмᴇ ᴅυɢнтʀ

Oo, bumilib kayo sa akin o hindi, itinahi ko yung mga salitang 'yan. "Aww, thanks 'nak. Halika, tulungan mo ako dito sa Christmas tree." Sabi niya kahit gustong-gusto ko na siyang tanungin kung ano yung gift niya sa akin, tumulong nalang ako. Waaah, anong oras na ba ngayon?

"Ah, teka momma, kunin ko muna yung phone ko." Pumunta ako sa kwarto, kinuha ko yung purse ko at ichineck yung phone ko, ngek! Lowbat. Ano ba 'yan? Christmas ngayon pero yung cellphone ko tulog! Walang hiya, bad trip! 

I sighed. Bumalik nalang ako sa sala at chinarge ko yung phone ko. Pagkatapos, in-on ko at chineck 'yung time. 7:30am na ngayon, ang aga ha. 'Yung time lang yung tiningnan ko at hindi ko na chineck kung may miss calls ba ako or may unread messages. Bumalik na ako kay mama para tumulong sa Christmas Tree. "Mama, may gift ba kayo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Eh ano ba yung gusto mo?" Tae, obviously wala siyang gift sa akin. Tinanong niya ako e'. 

"Ah, wala, ano po ba yung handa natin?" Tinanong ko siya.

"Ay oo, nga pala, tulungan mo ako mamaya ha, gagawa tayo ng Spagetti at Salad at... kung ano-ano pa diyan." 

"Okay," sabi ko. Tapos liagay ko na yung color Red na Christmas balls sa pinakatuktok ng Christmas Tree namin.

Mga three hours na siguro yung dumaan at nasa kusina ngayon si mama at nagluluto ng Spagetti. Ako naman nagkacut ng cheese, as always.

*The sun goes down, the stars come out-- *

*The sun goes down, the stars--*

*The sun go*

*The sun goes down, the stars come out,
and all that counts is here and now.
My universe will never be the same,
I'm glad you came.*

Pakshet! Message tone ng phone ko 'yan ah. Pasensiya na, 'yan kasi yung bago kong favorite song. Nagandahan kasi ako sa kantang 'yan noong first time ko 'yang marinig kay Mathew. Tae, bakit paulit-ulit yung sound ng message tone? Sino ba nagtetext at bakit parang ang dami ng messages niya?!

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon