Prologue
There was a moment in our life that we asked what have we already accomplished. What is our purpose? Because it will be meaningless if we live for nothing.
Saan ba patungo ang buhay ng isang tao kung hindi niya parin alam kung anong daan ang dapat niyang tahakin? Hindi ko masagot dahil maski ako ay mistulang naliligaw ng landas. Hindi ko makita ang future ko. Wala ding makakapagsabi sa akin ng dapat kong gawin o kung saan ako magaling.
Habang nakatulala sa cactus na nasa study table ko, bigla kong naisip ang isang pangyayari sa buhay ko na syang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.
I was just 6 years old. So thin, and bruised. Without anything to eat and drink for past 2 days, I miraculously survived. I was locked up in a wooden box, not crying but so weak. I thought I only have hours before I leave this world because no one will come to rescue me. It seemed like I was forgotten and neglected, I really was.
At that time, I was ready to leave. But I heard footsteps. Someone was coming to where I was. I thought it was my wicked father so I was scared. He unlocked the wooden box and I closed my eyes, expecting to receive more beating. I shivered in fear. Alam ko na na kapag sinaktan niya ulit ako hindi ko na kakayanin pa at handa na ako para ron. Yun na nga ang hinihintay ko.
Pero bago pa mabuksan ang kahon ay may narinig akong boses sa ibaba ng bahay namin. Tinatawag ang kung sino man. Narinig ko nalang ang papalayong mga yapak. Nakahinga ako nang malalim nang malamang hindi iyon ang tatay ko. Para akong naliwanagan at itinulak ang takip ng kahon pataas kaya nakalabas ako. Kahit na hinang-hina, nagawa kong makalakad at makagapang. Ang una kong ginawa ay naghanap ng tubig at uminom na parang wala nang bukas.
I was saved. Hindi ko kilala ang sinumang pumasok sa bahay, kahit pa magnanakaw siya magpapasalamat parin ako. I was given a second chance to live.
Pero ang akala ko magiging madali ang lahat gayong wala na ang tatay kong palaging nananakit. Masyado pa akong bata para pagdaanan ang mga ‘yon. I am scarred. I was traumatized. I developed claustrophobia because I was always locked up in that box. Pero hindi lang trauma ang nilalabanan ko, kundi pati narin ang pagkaligaw. Yes, I am free but I’m still lost. Para bang isang ibon na nasugatan sa pakpak at hindi makalipad.
Madami akong pinagdaan pagkatapos kong makaligtas ng araw na ‘yon. Kinupkop ako ni lola at doon niya palang nalaman ang karahasan ni tatay at aniya wala na siyang balita dito dahil patay na ang nanay ko kaya naman hindi nagpaparamdam sa kanila ang lalaki. Pinuntahan niya ako nang mabalitaan ang nangyaring pag-abandona sa akin ni tatay. Doon nagkaroon ako ng normal na pamumuhay kasama si lola. Pero hindi parin pala madali.
Mag-isa parin ako palagi, lalo na noong nag-aaral ako. I can’t befriend any of my classmates because I can read through their eyes how they pity me. I don’t want that. Tahimik ako palagi sa labas ng bahay, pero madaldal kapag kami lang ni lola. Lagi ko syang kinukwentuhan ng mga nangyayari sa school, I told her I have many friends and that I’m doing good at school. Ayoko syang malungkot para sa akin, dahil ayokong kinakaawaan ako.
“Loreine! “ someone from my classmate called me. Tapos na ang klase at lagi akong nauuna sa paglabas sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
The Enemy Within
RomanceWe all have enemies. An enemy that lives within us. It is the hardest enemy to defeat than the enemies disguised as humans. It keeps on hunting us because it lives with us. How can we defeat it? Loreine and Lark can't trust anyone. They both came fr...