Chapter 9

3 0 0
                                    

Chapter 9

Madaling araw palang ay naggayak na ako para sa mga dadalhin ko na enough for 2 weeks. Maaga rin kase ang biyahe ko papuntang Batangas kaya dapat ay tapos na akong maggayak. Kahapon pa nagpaalam ang dalawa sa akin sa pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay. Ang iba namang tenants ay nakaalis na rin at iilan nalang kaming narito pa.

Inaantok pa ako nang makarating sa terminal ng bus kaya pumikit muna ako habang naghihintay pa ng ibang pasahero, sinabihan ko narin si Tito na uuwi ako pero aniya may aasikasuhin siya kaya di siya makakasama sa akin umuwi. Ang pagpikit lang sana ay nauwi sa pagtulog, kaya nang magising ako ay malapit na kami sa destinasyon, bigla kong naramdaman ang nostalgia dahil sa nakikitang mga pamilyar na tanawin. Isang palatandaan na nakauwi na ako.

Hindi na ako bumalik sa pagtulog dahil baka makarating narin kami sa terminal kaya nagpasya akong tanawin nalang ang dinadaanan ng bus. Maayos parin at may iilang nabago pero kahit na ganoon, nabuhay ang mga ala-ala ko rito dahil dito ako lumaki simula nang kupkupin ako ni Lola.

Probinsya rin kaya naman talagang presko parin ang hangin dahil sa mga puno sa paligid. Nang makarating ako sa mismong lugar kung saan kami tumira ni Lola, narinig ko ang mga pamilyar na puntong Batangas. Pagkababa ko ng tricycle, pinagmasdan ko ang bahay na tinirhan namin, marami na doong dahon sa bubong dahil wala namang nakatira dito nang umalis ako. Sigurado akong maraming alikabok sa loob.

Agad akong naglinis pagkatapos. Nilinis ko ang bawat gamit na naroon at pati ang mga kwarto kung saan kami natutulog nila Lola. Bigla ko siyang namiss nang makita ang litrato naming nakapatong sa mesa sa kwarto ni Lola na hindi ko tinanggal. Hinugasan ko ang mga kubyertos na matagal nang nakatambak sa cabinet sa kusina. Maliit lang ang bahay dahil iisang palapag lang ito, dalawa lang naman kami ni Lola kaya ayos lang.

Nang matapos sa loob, nagwalis naman ako sa labas. Pero habang nagwawalis narinig ko ang pamilyar na tunog na potpot ng bisikletang gumagala para magbenta ng monay at donut. Huminto ito sa harap ko.

“Nene!” bati ni Mang Ben nang siguro ay mamukhaan ako.

“Magandang umaga ho” bati ko sa kaniya.

“Aba e nakauwi ka na pala! Ngayon lang kita ulit nakita dito e” aniya habang nakangiti. Ganoon parin siya, magiliw sa mga tao kaya naman marami ang may kilala sa kaniya at marami rin ang nabili ng paninda.

“Oho! Nagbabakasyon lang po dahil magpapasko na” ngumiti rin ako sa kaniya.

“Aba ay mabuti! Akala ko e nakalimutan mo kami”

“Hindi ho. Mas masaya parin ho dito”

Humalakhak ang matanda. “Aba e tama ka naman diyan!”

Lumapit ako sa kaniya “Pabili ho ako. Bente pesos po ng monay”

The Enemy WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon