Chapter 2
Kagaya nga ng sinabi nila, papasok sila para sa attendance. Kaya naman ang dalawang kasama ko ay maagang pumasok. Nandon narin ang iba pa naming kaklase para pumirma sa attendance, pagkatapos ay pupunta na sila sa kani-kanila nilang gala. Maraming nagperform at may mga pakulo pang stalls ang ibang department. Meron din sa amin, at balita ko ay nakakatuwa doon kaya ang dalawa ay doon muna pumunta samantalang ako ay naisipang magpunta muna sa cafeteria para kumain dahil hindi ako nakapag-almusal kanina.
On my way to the cafeteria, napadaan ako sa isang lupong ng mga professors. Sa tingin ko ay may diskusyon sila doon, ang iba ay may kapit ng meryenda habang ang iba naman ay mukang tinawag lang din dahil may hawak pa silang files o kung ano. Bago pa ako makalampas sa pwesto nila, bigla akong tinawag ng isang prof na hindi ko kilala, siguro taga ibang department. Kahit nagugutom, lumapit nalang ako.
“Sir?” tanong ko.
“Hija, pakidala naman ito sa clinic oh. May mga volunteers don, pakiabot nalang. Salamat” binigay niya sa akin ang isang box na medyo mabigat. Nakipagkwentuhan na siya sa mga kasamahan kaya sumunod nalang din ako.
Medyo malayo ang clinic sa cafeteria kaya natagalan ako. Nang makarating, naabutan kong may tao sa clinic. Hindi ko alam ang nangyari pero may injured doon at meron namang nakahiga sa bed. Hinanap ng mata ko ang sinuman sa nagaasikaso doon para maiabot ang dala ko pero isa lang ang nakita kong nandon na may suot ng white shirt. May kinuha siya sa lagayan ng kit kaya nang humarap sa akin ay inabot ko ang dala kong box.
“Excuse me” napakurap pa ako nang hindi ko inexpect kung sino ang nandon. That friend of Ervin.
“Yes?” tanong niya sa malalim na boses.
“Pinasuyo to sakin ng isang prof. Iabot ko nalang daw sa volunteers” nasa ere na ang kamay ko hawak ang box pero imbis na abutin ‘yon ay nilagpasan nya ako.
“Sorry. Medyo busy ako, pakilagay nalang diyan sa mesa” lumapit siya sa isang lalaking pasyente na mukang nainjured ang paa at nilagyan niya iyon ng gasa.
Dahil nagugutom ako agad akong naghanap ng malalapagan ng box. Nang makahanap, nilapag ko na iyon at lalabas na sana nang bigla niya akong tawagin.
“Excuse me, Miss” Lumingon naman ako sa kanya.
“Pwede bang pakitingin ng temperature nung nasa bed? Hindi ko kase nacheck kase biglang may dinalang injured dito” aniya kahit hindi nakatingin sa akin. Binebendahan niya pa kase ang estudyanteng injured kaya hindi niya nakita ang nagtatakang reaksyon ko.
Kahit na gusto ko na umalis ay hindi ko ginawa. Sinunod ko ang sinabi niya kahit na medyo labag sa loob ko. Nasaan ba kasi ang mga kasama niya at mag-isa lang siya dito? Tuloy ay hindi ko magawang makakain kahit nagugutom na ako.
“Pakisulat narin diyan sa log book sa side table” aniya na parang isa akong assistant niya. Sinunod ko nalang sinabi niya para matapos na agad dahil nagsisimula nang magsalita ang tiyan ko!
“Tapos na. Maiwan na kita—”
“Lark!” biglang sumulpot ang isang humahangos na estudyante. Base sa suot niyang shirt, isa rin siyang volunteer dito. “Kailangan ka daw sa faculty”
BINABASA MO ANG
The Enemy Within
RomanceWe all have enemies. An enemy that lives within us. It is the hardest enemy to defeat than the enemies disguised as humans. It keeps on hunting us because it lives with us. How can we defeat it? Loreine and Lark can't trust anyone. They both came fr...