Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

 

Warning| Violence and Trauma

Some of the causes of childhood trauma include chaos or dysfunction in the house such as domestic violence or parent with mental illness. It may also because of accidents, any forms of bullying and physical abuse or neglect. A person experiencing trauma can live a normal life but some things might trigger their trauma that can make them anxious, they’ll feel headaches or hard to breath.

Nagkaroon ng meeting ang professors kaya naman nagsiuwian na ang iba. Hindi ko naman alam kung saan nagpunta ang dalawa kong kasama dahil hindi sila nagpaalam sa akin kanina, may pinasa kase ako sa faculty kanina at may inutos sa akin ang isang prof kaya medyo natagalan pa ako roon. Kaya naman naisipan kong tumambay sa cafetea para magbasa ng libro.

Wala rin masyadong nakatambay dito ngayon kaya tahimik ang paligid. Nasasabik ako sa librong binabasa kaya doon lang halos ang atensyon ko ngayon.

“You’re not busy” I was in the middle of a good scene when someone spoke.

Sa halip na pansinin siya, pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa. If the scene is good, I don’t want any interruption.

“Ganon ba kaganda ang binabasa mo at hindi mo ako kayang pansinin?” muling nagsalita ang lalaki.

“Back off, I’m enjoying my time here” tamad kong sagot sa kaniya. Pinipigilan kong mapangiti dahil may nanonood sa akin ngayon kaya kailangan kong itago ang emosyon kahit na gusto ko nang ngumiti.

“Well… I need your help”

Naibaba ko ang librong binabasa dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. Bakit parang lagi niyang kailangan ng tulong at bakit ako ang lago niyang hinihingian ng tulong? May iba naman diyang pwede niyang kausapin.

“Pakihawak ng mga dala ko” hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagkakasabi niya.

“Hindi ka talaga marunong makiusap ng maayos” sabi ko nalang at kinuha ang mga inorder niyang inumin dahil marami iyon.

“Well that’s my charm. Kapag sinama mo ang Please or Can you sa pakikiusap, may chance na hindi ka tulungan ng hinihingian mo ng tulong”

“You sound too bossy” sabi ko at niligpit ang mga gamit ko.

“Hintayin mo ‘ko diyan” bumalik siya sa counter dahil may mga naiwan pa pala doong orders.

“Kasya ang lahat ng ‘to sa tiyan mo?” tanong ko kahit na alam kong hindi ‘yon para sa kaniya.

“You wanna bet?” he raised his brow and smiled. Napailing nalang ako.

“Saan mo ba dadalhin ang mga ito?”

“We are on a group study and I insisted to buy some foods and drinks. Kaya dadalhin natin ang mga ‘to pabalik sa school”

“Bakit hindi ka nagsama kung ganito karami ang bibilhin mo?” reklamo ko habang papalabas kami ng café.

“Nandiyan ka naman” aniya.

“Sana pala ay hindi na ako tumambay doon” bulong ko pero alam kong rinig din niya ‘yon.

Hindi naman gaanong mabigat ang mga dala kong plastic ng mga inumin pero hindi ko lang talaga maiwasang mapaisip kung bakit ako pa ang inistorbo niya. Hanggang kailan ba magkukrus ang landas naming dalawa?

Nakarating kami sa kung saan sila nagrereview. Malayo ito sa building namin, malilim ang lugar at nakapwesto ang mga kasama niya sa concrete table. They are quiet and serious, the atmosphere is a bit intimidating.

The Enemy WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon