Chapter 8
Dahil…. Takot ako.
After that, I almost lost focus on my studies. I almost forgot that our exam week is coming because all I did is to think what to do about this uncertain feeling. I don’t know if I want to erase it or let it flow through me. I got distracted. But I tried to get my self together.
I just tell him that I need to study on my own and that I don’t want anyone with me during the exam week. Totoo ‘yon, dahil gusto kong magfocus muna sa exam, dahil kahit kailan hindi ko pa nakikitang magkaroon ng failing marks ang exams ko. Pero dahil nga sa distracted ako, nangamba ako na baka hindi ako makapagreview ng maayos.
I ignored his messages, I even refuse to get a ride with him. Alam kong hindi iyon tama, pero gusto ko lang protektahan ang sarili ko. Dahil mag-isa nalang ako, kailangan kong umiwas sa disappointments na maibibigay ko sa sarili ko. I still have many things to achieve. Pero nalulungkot din akong tanggihan at iwasan siya, dahil alam kong nasanay ako sa presensiya niya.
1 day.
2 days.
3 days….
Exam days had passed so quickly. And so far, I know I’ll get passing grades. However, I felt regretful. I don’t want want to admit it, but I missed him.
“Hahaha muntik ko nang maipasa yung papel kanina buti nalang nakita ko yung extrang items sa likod!” sabi ni Mon. Nagtatawanan kaming tatlo nila Sheena matapos ang pang huling exam namin ngayong araw. Naisipan lang namin tumambay sa cafeteria para irefresh ang utak namin.
“Sayang! Dapat pinasa mo na!” biro naman ni Sheena na tinawanan lang namin.
Pang apat na araw na kaya naman medyo relax na kaming tatlo. Isang subject nalang bukas ang kailangan namin itake na exam at makakahinga narin kami ng maayos. Lahat ng course ay mahirap, believe me. Hindi lang yung mga sikat na course ang mahirap, dahil wala kang kawala kahit saan ka pang lumagay na tingin mo ay madalu. Lalo na kapag exam na, kailangan mong magsunog ng kilay.
“Mid-term palang pero patayan na. Hindi na ako masanay-sanay sa ganito aber!” reklamo ni Mon habang nginunguya ang fries na binili.
“Sinabi mo pa. Iniisip ko nang magdudugo ang utak ko sa finals jusko!” dagdag pa ni Sheena.
“Ay buti nga kung may dudugo pang utak!”
Nagtawanan kami nang nagtawanan hanggang sa magsawa kami. Ganito kami palagi, we just laughed our worries off. Dahil kapag hindi kami nagchill ng kaunti ay baka magbreak down ang isa sa amin. Para bang naging sandigan namin ang isa’t isa sa loob ng tatlong taon na pagsasama.
BINABASA MO ANG
The Enemy Within
RomanceWe all have enemies. An enemy that lives within us. It is the hardest enemy to defeat than the enemies disguised as humans. It keeps on hunting us because it lives with us. How can we defeat it? Loreine and Lark can't trust anyone. They both came fr...