Chapter One

20.8K 457 6
                                    

AKO ang pinakahuling natira sa girl's dormitory. Nagsipag-uwian na ang mga kapwa ko estudyante sa kani-kanilang lugar dahil tapos na ang second semester. Pero sa halip na matakot, mas gamay ko ang mag-isa at sarilinin ang buong dorm, tahimik at maaliwalas ang paligid.

May narinig akong ingay sa isa sa mga kuwarto kaya mabilis akong pumunta sa pinanggalingan niyon para alamin kung ano. Scholar ako sa unibersidad na pinapasukan ko. Ang may-ari ng dormitory na ito ang sponsor ko at ang kapalit ay ang pagiging caretaker dito sa dorm at siguruhing ang lahat ay nasa ayos.

Naka-lock ang pinto kaya kinuha ko ang spare key na nasa bulsa ng suot na pajama at binuksan ang pinto. Ang malamig na dapyo ng hangin ang bumulaga sa akin mula sa bukas na bintana. Sinabihan na nga ang mga boarders na isara lahat ang bintana bago magsi-uwian pero sadyang may mga matitigas talaga ang ulo na hindi marunong sumunod o baka nagmamadali lang sa pag-uwian kaya nakaligtaang isara ang bintana ng kuwarto nila.

Kumidlat sa labas, may kasama pang malakas na kulog habang bumubuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong lumapit sa bintana para sana isara iyon nang mapasigaw ako sa gulat dahil may biglang dumaklot sa aking braso. Mabilis ang reflexes na binayo ko kung sino man iyon at paulit-ulit na sinuntok ang anumang masusuntok.

"LAILA, it's me!" sigaw ng kung sino mang iyon sa boses lalaki. Lalo akong nanlaban sa pagkakahawak nito sa aking braso.

"Bitiwan mo ako!"

"Lai, it's me, Julian." Ulit nito.

Julian? As in JULIAN SAMONTE? The Julian of our university's basketball player? Julian, the VP of the student council? Julian, the center of attraction and attention of our university's majority of female students? Julian, whose course is the same as mine but with different major? Julian, who's been my lifelong crush ever since I first laid my eyes on him?

"Lai, please help me up." Pilit siyang umaakyat sa bintana.

Dumukwang ako sa nakabukas na bintana at saka siya hinila papasok sa loob. Itinaas niya ang sarili at saka pasadsad na sumalampak sa sahig sa loob ng kuwarto. Basang-basa siya, marahil ay kanina pa siya sa labas nababasa ng ulan.

Siya ba ang nagbukas ng bintana mula sa labas? Anong ginagawa ng isang Julian Samonte dito sa harap ko?

Nagpumilit siyang itayo ang sarili tsaka lumapit sa akin na nanatiling nakatayo at nakamasid lang sa kanya. Niyakap niya ako, humigpit iyon hanggang sa halos hindi na ako makahinga. Hindi man lang alintana ang basang damit niya na dumikit sa aking damit dahil mas nanaig ang malakas na tibok ng aking puso sa init ng balat niyang nakadikit sa akin.

"Laila, I miss you so much, babe!" mahina niyang sabi bago hinalikan ang nakaawang kong labi.

Julian!

Amoy alak siya. Kaya pala halos hindi na makatayo at kung bakit narito ngayon na wala sa sariling katinuan. Hindi ganito ang Julian na kilala ng lahat, dahil si Julian Samonte ay responsable at maasahan at hindi mo makikita sa ganitong kalagayan.

But tonight, was special; he made me see the different side of him, the only side that no one knew about, the side that I will hold close into my heart.

"Please, babe bati na tayo? I can't last this long without seeing you. It's been a week Lai, kung ako kaya mong tiisin, ako hindi. I miss you so bad I think I'll lose my head. Please say bati na tayo." Hinaplos-haplos niya ang mga pisngi ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Pinakatitigan sa aking mga mata. Hinalikan niya ako sa dulo ng aking ilong. Dumampi ang labi sa aking labi. Sinimulan niyang hubarin ang basang poloshirt. Inihagis ang suot na sapatos at saka isinunod ang suot na pantalon.

Just To Be Near Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon