Chapter Three

11.7K 325 12
                                    

IPINAGPATULOY ko ang pag-stay sa dorm nang hindi sinasabi ang aking kalagayan kahit kanino. Kung maitatago ko pa ang paglaki ng aking tiyan ay gagawin ko. I cannot afford to lose everything I have worked for.

"Kayla, nananaba ka yata?" Pansin ni Laila na kapapasok lang sa gate kasama si Julian.

Nagtama ang mga mata namin ni Julian pero agad akong umiwas. Hindi ko rin sinagot si Laila at ipinagpatuloy ang pagbuhat sa stock supplies na dineliber kani-kanina lang.

"Anyway, kung hindi lang kita kilala iisipin kong buntis ka. You really do look like one." Dugtong pa nito.

Natigil ako sa ginagawa at saka tumingin dito. Gusto kong isigaw sa mukha nito na hindi naman kami close para magpalitan kami ng salita pero bago ko pa nagawa iyon ay sumingit na si Julian.

"Babe, magpalit ka na bago tayo ma-late sa movie."

"Ay, oo nga pala. Okay, just wait here and I'll be back." At saka na pumasok sa dorm si Laila.

Muli kong sinubukang buhatin yung box ng toiletries para dalhin sa kusina pero mabilis na kinuha ni Julian iyon at siya na mismo ang nagbuhat.

"Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay, bawal sa iyo lalo't mahina ang kapit ng bata dahil muntik ka nang makunan." Seryoso niyang turan.

Tiningnan ko siya. Pumait ang aking mukha. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya dahil halata na ang aking tiyan. Five months na ang dinadala ko at hindi ko na maitatago sa loob ng aking maluwang na jacket ang paglobo niyon.

"You should tell this to the father of this child. It's not easy to get through with all these all by yourself. Hindi mo dapat dinadala lahat, may parte rin siya na dapat niyang gampanan. Even though I am keeping this a secret, you're getting bigger and soon everyone will find out."

"He doesn't even remember that he did this," mahina kong singhal.

"What do you mean?"

"He was drunk."

"He is still your boyfriend, isn't he? For sure he'll take the responsibility once you told him what really happened. If he really loves you he will take care of it."

"Hah!" Natawa ako, mapakla nga lang dahil ang totoo ay gusto kong maiyak.

"He's all you've got so you just have to swallow your pride and tell him."

"He doesn't even love me, and worse hindi ako ang girlfriend niya. It was just a mistake on his part, and I took advantage of it because I love him. I was at the wrong place and he mistook me for his girlfriend. Sa tingin mo kapag sinabi ko sa kanya, maniniwala siya? Matatanggap ba niya? Ikaw, kung ikaw siya, would you accept me?" Pinahid ko ang luhang hindi napigilan.

Hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin, waring nag-iisip. Pagkuwan ay huminga siya nang malalim at saka tumikhim.

"I have a girlfriend and I love her so. If I did this, I would take the responsibility for the child but that's it. If it was just a mistake, we'll just have to correct it by doing that. I'll take care of my child, but I can't love you back because my heart belongs only to Laila." Diretso niyang sagot.

Natahimik ako. Hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin. Narinig ko ang mga yabag ng sapatos na papalapit, kay Laila iyon kaya tumalikod ako at iniwan si Juian. Nakaalis na sila habang ako ay nakaupo sa aking kama, iniisip ang mga sinabi ni Julian. Pananagutan daw niya ang bata...at least that is good news. Pero paano ko nga ba sasabihin sa kanya? Paanong ipaliliwanag na siya ang tinutukoy ko?

NATAPOS ko nang linisin ang kusina maging ang mga banyo. Naramdaman ko ang paghingal, madali na akong mapagod at pagpawisan. Bumagal na rin ang aking mga galaw at pagkilos. Sooner or later, this will all blow up and I really don't know what to do.

Just To Be Near Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon