"HOW dare you!" mahina subalit matigas na turan ni Dra. Samonte.
Ang galit niyang reaksiyon ay tumatak sa aking isip. Kung sa ibang pagkakataon ay baka napaatras na ako sa takot. Pero wala na akong ibang ikinatatakot kung hindi ang sarili kong sitwasyon.
"Ikaw ang gumawa ng lahat ng ito at ikaw pa ang may ganang magbanta? How dare you?" nasa mukha na rin nito ang galit.
"Hindi ko intensiyong pagbantaan kayo, pero kung hindi ninyo ako matutulungan, wala na akong magagawa kung hindi gawin ang alam kong mas makabubuti sa akin."
"You are a shameless piece of work! How cound you do that?"
Gusto kong marindi sa murang narinig dito pero hindi iyon inalintana. Wala akong pakialam.
"At paano akong maniniwalang sa anak ko nga ang dinadala mo?"
"I told you, si Julian lang ang nakagalaw sa akin. You can do a paternity test now if you want to. Pero maniwala ka man o hindi ay nasa inyo na."
"I'll have to talk to Julian-"
"No!" Napatayo ako sa kinauupuan. "I told you he was drunk that night. Wala siyang maaalala, at wala akong balak patali sa sitwasyong ito. Kahit mahal ko si Julian, hindi ko nanaising patali sa kanya. I have my own plans and I don't plan to stay in this country. Gusto kong lumayo rito. I don't want to be stuck in here. Ayokong magbuntis! Ayokong magkaanak! At ayokong magkapamilya!"
"You are one selfish woman!"
"Oo! I just realized that, but this is me. Masama bang mangarap? Masama bang kalimutan ang lahat ng ito? Masama bang gusto kong mapabuti ang aking buhay at ng magulang ko? Huwag lang ito dahil hindi pa ako handa. Hindi pa. At kayo, kakayanin n'yo bang makitang masira ang magandang samahan nina Julian at nang girlfriend niya? Julian loves Laila so much and I know that for a fact."
Tumayo siya at nilapitan ako. Marahil ay inaasahan ko na pero nagulat pa rin ako nang padapuan niya ako ng malakas na sampal sa pisngi.
"I have never met a trash like you, so desperately despicable!"
Ngumiti ako nang mapakla kasi totoo naman. Ako man ay hindi inaasahang magiging ganito ang aking pagkatao. Subalit walang lugar sa puso ko ang umiyak at sisihin ang sarili. Hayop na kung maituturing pero nandito na at hindi ako papayag na masira ang buhay ko nang dahil lang sa isang pagkakamali. I don't have the luxury to be like that.
"Dra. Samonte, magkaiba tayo ng buhay kaya hindi mo maiintindihan ang mga pinagdaanan ko at kung paanong ang katulad ko ay kumapit sa kahit anong patalim na makakapitan maiwanan lang ang mahirap na buhay. I don't expect you to understand but at least, I want you to lend me a helping hand because this is also a part of Julian's. Kung ikaw may konsensiyang matatawag, tutulungan mo ako at aangkinin ang batang dinadala ko dahil kadugo mo ito. Dahil kung hindi, hindi ko ito kawalan at huwag ninyo akong sisisihin."
Muli niya akong sinampal. Nasapo ko ang pisnging nasampal. Pagkatapos ay sinapo ko ang pagitan ng aking mga hita dahil kanina ko pa nararamdaman na basa roon. I looked at my hands and saw blood. Ni hindi ako nakaramdam ng pagkatakot o pagkabigla pagkakita sa dugo, but Dra. Samonte immediately rushed to me and called for an ambulance. Ilang minuto ang lumipas nang dumating ang ambulansiya at mula roon ay pinapasok niya ang EMT's. Agad akong isinakay sa ambulansiya at dinala sa ospital.
Mabilis ang bawat galaw sa aking paligid. Si Dra. Samonte na rin ang umasikaso sa akin. Nakaramdam ako ng hilo at gusto kong pumikit. Nakatulog siguro ako dahil nang magising ako ay nasa pribadong kuwarto na ako at may isang nurse na tumitingin sa dextrose na nakakabit sa akin. Nginitian niya ako at sinabihang tatawagin niya si Doktora Samonte para ipaalam na nagising na ako.
BINABASA MO ANG
Just To Be Near Him (Completed)
RomanceIsang gabi ng pagkukunwari. Isang gabi ng kasiyahan. Isang alaala na gusto niyang ituring na isang magandang panaginip. Subalit...pagkakamaling sumira ng lahat sa kanya nang magbunga iyon. At dahil hindi siya handa, nagdesisyon siyang iwan ang lah...