Chapter 8 - Your Highness: "Make me laugh first."

1.2K 38 2
                                    

CHAPTER 8

Your highness: “Make me laugh first.”

NAGISING si Kim sa amoy ng ulam. Tumayo siya mula sa kinahihigaan at tumungo sa kusina. Nakita niya si Pleng na masayang nagluluto. “Ano’ng niluluto mo?” tanong niya rito. She was wearing her signatured get-up: short shorts at puting t-shirt. Parang nawala ang pagod niya at antok nang makita niya ito.

            Tila nagulat na napalingon ito sa kanya. “Ba’t ba nanggugulat ka?”

            “Sorry.”

            Bumuntong-hininga ito. “Sinangag lang, hotdog at itlog. 'Yon lang naman ang mayro’n sa maliit mong frigidaire, eh.”

            “Kasi 'yon lang din naman ang alam mong lutuin, eh.” Tumawa siya. “Masarap ba 'yan?”

            “Uy, kahit ito lang ang alam kong lutuin, especialty ko 'to. Wala ng mas sasarap pa sa luto ko. Special 'to, 'no?”

            Tawa siya nang tawa. “Wala ka bang planong magbago ng especialty? Hmn, special 'yan kasi para sa akin 'yan, 'di ba?”

            Tumingala ito. Tila nag-isip. “Hindi rin. May two scope of ice cream 'to at leche flan, kaya special.” Tumawa ito. A laughed that made his morning wonderful. Parang nawala ang antok at pagod niya kagabi.

            “Talaga lang, ha?”

            “Oo naman. Saturday ngayon, 'di ba? Off mo ngayon. Ano ang gagawin mo?”

            “Matutulog.”

            “Matutulog?”

            “Oo, ikaw lang kung gusto mong tumabi. Pagta-tiyagaan na kita,” tudyo niya. Gustung-gusto niya kapag namumula ang pisngi nito.

            “Chura mo! 'Di ba nga ang sabi ko, may taste ako.” Nang matapos ito at sinalin na nito ang hotdog sa pinggan at dinala sa mesa. Siya na ang kumuha ng pinggan nilang dalawa. Ito naman ang kumuha ng kutsara at tinidor.

            “Kung taste lang naman ang pag-uusapan, di-hamak na mas mayaman ako sa taste.”

            “Ang aga-aga, bumabagyo. Gutom lang 'yan. Pasalamat ka…”

            Tawa siya nang tawa. “Anong pasalamat ako?” Kumain na sila. Kung alam lang nitong puwede niyang seryosohin ang sinabi niya rito.

            “Pasalamat ka at nag-evolve na ang panahon. Kung hindi ay “mongoloid” pa rin ang tawag sa inyong mga chinito.”

            Tawa na lamang siya nang tawa rito. Thanks to her because he has now reasons to smile and laugh… because of her.

“SAAN KA pupunta?” narinig ni Pleng na tanong ni Kim. Magbubukas na sana siya ng pinto. Nilingon niya ito na noon lang niya nalaman na nandoon pala ito at nakahiga at nagbabasa ng libro.

            Pinagtaasan niya ito ng kilay. “At bakit?”

            “Why you asked?” Nagtaas din ito kilay at napatayo na.

            “Why you asked?” balik-tanong niya. Pinag-krus niya ang dalawang braso. “Masama bang lumabas? Kailan pa ipinagbawal sa Pilipinas ang lumabas? Sunday kaya ngayon.”

MY CHINITO HEART by Rill Mendoza (TBP_PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon